Chapter 4 *Ang Mga Halimaw ng Venus*

2K 78 6
                                    


Mula pagkabata, nasanay si Emerald sa proteksyon ng kanyang ama. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tatayo siya sa sarili niya.

Sa dami ng lugar na maaari niya iyong gawin, hindi niya akalain na sa Venus pa, ang kilalang lungga ng mga leon.

Napatulala si Emerald nang mapagtanto na nasa Venus na talaga siya.

Nagpalinga-linga naman si Ella.

SI Lamb naman ay nakikiramdam kung may tao sa paligid. "May paparating!" sabi ni Lamb bago niya inihanda ang kanyang sibat.

Doon lang tila nagising si Emerald. Inihanda niya agad ang kanyang espada.

Ganoon na rin ang ginawa ni Ella... inihanda niya ang kanyang pana.

Halos manigas ang mga kamay ni Lamb nang makita niya na ang paparating ay isang malaking leon. Hindi ito pangkaraniwan. Ang laki nito ay katulad sa elepante."Yan na ba ang sinasabi ni Elisse na halimaw?" tanong niya bago niya nilingon ang mga kasama. "Delikado tayo! Kailangan nating makalayo!" sigaw niya bago siya lumukso pataas.

Ganoon din ang ginawa nina Emerald at Ella, subalit...

"Aaahh!"

Natigilan sina Lamb at Emerald nang marinig ang sigaw ni Ella.

"Ella!"

"Aaaahhh!" sigaw ni Ella dahil nahagip siya ng higanteng leon.

"Lumayo ka kay Ella!" sigaw mi Lamb sabay sugod dala ang sibat, subalit hindi ito tinablan. Muntik nang masipa ng leon si Lamb gamit ang matatalas nitong kuko. Mabuti na lang nakailag ang dalaga.

Di naman magawang kumilos ni Emerald. Nanginiginig siya.

Sandali. Anong ginagawa ko? Biglang napaisip si Emerald. Nangako ako na lalabas agad sa lugar na ito, pero ano ako ngayon? Di man lang ako makagalaw dahil sa takot. Nabanggit na ni Elisse ang tungkol sa mga halimaw pero bakit nabibigla pa rin ako?

"Ella!" Patuloy na tawag ni Lamb.

"Aaahh!" Iyon na ang huling sigaw ni Ella bago siya tuluyang nakain ng higanteng leon. May mga dugo pa na tumalsik sa buhangin.

Nang makita ni Emerald ang dugong iyon, biglang bumalik sa kanya ang ala-ala ng dugo ni Gerad na tumalsik noon sa kanyang mukha.

Bakit kailangan may masawi? Bakit kailangan may mamatay? Hindi ito patas. Hindi pwede. Naisip ni Emerald bago siya bumalik sa wisyo. "Magbabayad ka!" sigaw niya sabay salakay sa leon dala ang espada.

"Emerald, 'wag!" awat ni Lamb dahil alam niya na wala itong magiging laban, subalit hindi na niya ito napigilan.

"Hiyaaah!" Itatarak na ni Emerald ang kanyang espada... Subalit biglang humangin nang malakas, dahilan upang malagyan ng buhangin ang kanyang mga mata. "Aah!" daing niya. Hindi niya naituloy ang pagsalakay.

Agad niyang pinunasan ang mga mata upang mawala ang pagkapuwing. Nang magawa iyon... bumungad sa paningin niya ang isang lalaki na may mahabang mukha. Hawak nito ang mukha ng leon.

"Paanong..." Takang-taka si Emerald, ganoon din si Lamb dahil nakikita nila na maamo ang halimaw sa lalaki.

Nasa Venus sila kaya siguradong isa ring prisoner ang lalaking iyon. Ngunit tila iba ito sa kanila. Ang tindig nito ay katulad sa regulator... maging ang pananamit—pang militar. Ang kaibahan lang ay ang kulay puting bandana na nasa leeg nito.

"Mukhang hindi nasarapan ang alaga ko sa nakain niya," sabi ng lalaki.

Nagpabilog sa mga mata nina Emerald at Lamb ang kanilang narinig.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now