Chapter 44 *Ang Banta ng mga Regulator* (Part 1)

1.1K 47 0
                                    

Binalot ng tensiyon ang buong Hashke Village.
Ito ay matapos sabihin  ni Sy, pinuno ng mga Hashke ng Third Region ang tungkol sa pagkawala ng kanyang mga kasamahan.

Kinausap siya nina Nikela, Juno at Novi sa isang pribadong silid.

"Saan mo nakita ang espada ni Aion?" tanong ni Juno.

"Nagpapatrolya ako sa Third Region nang mapansin ko ito sa lupa."

Nakalagay ang malaking espada sa lamesa.
Ang apat na Hashke ay nakaupo sa palibot nito.

Nagpatuloy si Sy. "Matapos ko itong makita, nagkaroon na agad ako ng hinala na kinuha sina Aion at Bill ng mga Intruder. Hahanapin ko dapat sila, pero naisip ko na baka delikado kaya bumalik muna ako rito."

"Tama ang ginawa mo," sabi ni Juno. "Hindi pa natin alam kung sino ang mga kaaway kaya delikadong sumugod nang mag-isa."

Napakuyom ng kamao si Sy. "Zero One, anong gagawin natin?"

Hindi agad nakasagot si Nikela. Tumingin muna ito kina Juno at Novi.

"Ikaw muna ang masusunod ngayon," sabi ni Novi.

"Kung gayon..." Humarap si Nikela kay Sy. "Sige, ako na muna ang aayos nito." Tumayo siya mula sa kinauupuan. "Pupunta ako sa  Third Region para alamin kung mga Intruder nga ang kumuha kina Aion at Bill."

"Sasama ako sayo!" Tumayo na rin si Sy. "Hindi ko puwedeng pabayaan ang mga tao ko!"

"Sige." Tiningnan ni Nikela sina Juno at Novi. "Kayo na muna ang bahalang magbantay rito, maliwanag ba?"

Tumango si Juno.
Sumaludo naman si Novi.

Lumabas na sila pagkatapos ng pag-uusap na iyon.

"Nikela!"
Nasa may pintuan pala si Emerald.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong agad ni Novi.

"Emerald. "Hinawakan ni Nikela ang kanyang Rose. "Magpahinga ka na muna."

"Ayos lang ako." Ngumiti si Emerald. "Narinig ko ang tungkol sa pagkawala ng mga Hashke. Pupunta ka ba ngayon sa Third Region?  Gusto kong sumama."

"Hindi!" sagot agad ni Nikela. "Hindi pa natin kilala kung sino ang mga kaaway kaya delikado. Ayokong may mangyari sayo."

"Sanay ako sa mga laban."

"Kahit na!" Ayaw pumayag ni Nikela. "Manatili ka rito, kasama sina Juno at Novi."

"Nikela..." Tinitigan ni Emerald ang lalaki. "Pakiusap, isama mo ko."  Niyakap niya ito. "Gusto kong sulitin ang bawat oras na kasama kita. Natatakot ako na bigla ka na namang mawala!"

"Ah..." Dito lang naunawaan ni Nikela ang minamahal. Oo nga naman. Walang katiyakan kung hanggang kailan siya magiging si Zero One. Sa sitwasyon ngayon, siguradong anomang oras magpapakita uli si Double Zero.
Hindi niya iyon gusto, pero aminado siya. Kailangan nila ngayon si Double Zero.

"Sige. Payag na ako na sumama ka."

"Salamat." Ang laki ng ngiti ni Emerald.

"Pero kailangan mong magpalit ng damit at magdala ng katana, " paalala ni Nikela.

***

Gamit ang trak, tinungo nina Nikela, Emerald at Sy ang Third Region.
Si Sy ang nagmaneho ng sasakyan.

Dumiretso sila sa pamilihan.

"Bakit ganito?" Napatanong agad si Sy pagkababang-pagkababa nila.
Napakatahimik kasi ng pamilihan. Nakabukas ito ngunit walang nagbabantay.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now