Chapter 59 *Paggising*

967 35 2
                                    


Nasaan ako?
Napatanong si Emerald matapos makita ang sarili sa isang madilim na lugar.
Wala siyang anomang makita kundi sarili niya lamang.

Ano ba'ng lugar ito?
Nagpalinga-linga siya.

Sinubukan niya ring maglakad.
Baka sakaling mayroon siyang mahawakan.
Subalit wala.
Tila nasa isang malawak na parang siya na hindi mawari kung saan ang hangganan.

Minabuti na lamang ni Emerald na huminto.

Muli siyang nagpalinga-linga hanggang sa may liwanag na biglang lumitaw sa kanyang harapan.

Natigilan si Emerald nang makita kung ano ang pinanggagalingan ng liwanag.
Isang Venus Heart.

Seryoso? Venus Heart nga ba talaga iyon?
Pinagmasdang mabuti ni Emerald ang nagliliwanag na bulaklak.

Venus Heart nga.

Agad siyang tumakbo palapit dito.
Siyempre, para makuha ang bulaklak.
Para mailigtas si Nikela.

Abot kamay na ni Emerald ang bulaklak.
Mahahawakan na niya ito nang biglang lumitaw si Gerad.

Napahinto si Emerald.

Buhay pa rin si Gerad?

Tumingin sa kanya ang lalaki bago tumuon sa bulaklak.
Mabilis nahulaan ni Emerald kung ano ang binabalak gawin ni Gerad.

"Hindi! Huwag!" Napasigaw si Emerald.

Gusto niya sanang pigilan si Gerad, ngunit huli na.

Mabilis nitong napagpirapiraso ang bulaklak gamit ang espada.

Napaaawang ng labi si Emerald.

Sa ikalawang pagkakataon, wala na naman siyang nagawa.

Naglaho na naman na parang bula ang Venus Heart.

Kasabay nang paglalaho nito ay ang paglalaho rin ni Gerad.

"Emerald."

May biglang tumawag sa dalaga.
Nanggagaling sa likuran.
Dahan dahan iyong nilingon ni Emerald.

"Ah!" Napaawang siya nang labi nang makita kung sino ang tumawag sa kanya.

"N-Nikela?"

Halos mapaiyak siya.

Hindi makapaniwala.

Totoo ba ito?
Narito si Nikela?

Pero paano?

Ang alam niya kasi ay malala ang lagay nito.
Pero mukhang ayos na ito ngayon.
Nagamot na ata.
Nawala na ang lason.

Ah! Tama na ang pag-iisip.

Ang mahalaga ay narito at maayos na ang lagay ng lalaking mahal niya.

"Nikela!"
Tumakbo siya papunta sa lalaki, subalit bago pa man siya makalapit ay bigla na itong tumalikod at umalis.

"Teka! Sandali! Saan ka pupunta?"
Hindi ito inasahan ni Emerald.
Bakit tumalikod si Nikela?
Bakit bigla itong umalis?

"Nikela, sandali! Huwag kang umalis! Nikela!"

"Emerald!"

"Ah!" Napamulat ng mga mata si Emerald.

Bumungad sa kanya si Mary.

"Mary."

"Mabuti naman at gising ka na."

"Anong nangyari? Nasaan tayo?"
Tumayo si Emerald.
Dito na niya nalaman na malapit na pala sila sa hangganan ng Second at First Region.

Oo nga pala. Nilulon ako ng higanteng ahas! Bigla iyong naalala ni Emerald.
Tumingin siya sa paligid.
Nakapagtataka na wala siyang makita na bakas ng ahas.
Walang katawan.
Walang dugo.

Tumuon siya kay Mary.
"Mary, ikaw ba ang nagligtas sa akin? Ginamit mo ba ang kapangyarihan mo para talunin ang ahas?"

"Hindi. Dahil ang totoo ay wala na kong kapangyarihan. "

"Ano? Wala na agad?"

"Sa palagay ko tuluyan nang naapektuhan ng kung anomang sumpa si Echezen kaya hindi na niya kinaya."

"Kung gayon, anong ginamit mong paraan para makawala ako mula sa higanteng ahas?"

"Hindi mo ba talaga natatandaan?"

Umiling si Emerald. "Hindi na."

"Iniligtas ka niya," sabi ni Mary.

"Ha?" Napakunot ng noo si Emerald.  "Sinong? Ah!" Biglang napatakip ng bibig si Emerald.

Walang sinabing pangalan si Mary, pero nahulaan niya kung sino ang tinutukoy nito.
Sino pa nga ba?
Sino ba ang laging nagliligtas sa kanya sa oras ng panganib?

I-Ibig sabihin... Gising na siya?
Bigla nang naiyak si Emerald.
Mabuti naman.

Pero ano nga bang nangyari?
Paano nagising si Nikela?
Paano ito nagamot mula sa lason?

Ganito ang nangyari.

A/N
Part 1 lang ito. Bukas ko po ipopost ang kasunod.
Pasensiya.

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon