Chapter 25 *Ang Nakaraan ni Nikela*

1.3K 58 0
                                    


"Mainit na naman ang ulo ni Nikela... ah, ibig kong sabihin si Double Zero pala. Patay ako ro'n kapag tinawag ko siyang Nikela," sabi ni Dustin. Nasa hardin siya ngayon habang nakatayo sa berdeng mga damo. Sa harapan niya ay naroon si Mia na abala sa paggupit ng dahon ng mga halaman.

"Hoy... Mia! Nakikinig ka ba?" duda na si Dustin. Kanina pa kasi siya usap nang usap pero ni sumulyap di ginagawa ni Mia.

"Nakikinig ako. Tungkol kay Double Zero ang sinasabi mo, di ba?" sagot ni Mia na tuloy pa rin sa ginagawa.

"Oo... ilang araw na rin kasi siyang wala sa kondisyon. Parang nitong mga nakaraang araw kahit mga simpleng bagay ikinagagalit na niya."

"Baka kailangan lang niya ng pahinga... sabihin mo pumunta siya rito at tingnan ang mga bulaklak ko. Ayan tapos na." Natapos din ni Mia ang paggupit sa mga halaman. Matataas na kasi ito kaya naisipan niya na bawasan at lagyan ng korte.
Para naman daw bumagay sa mga bulaklak na siya rin ang nagtanim.

"Di ako makapaniwala... may alam ka pala sa paghahalaman?" puna ni Dustin.

"Oo. Noong bata kasi ako nakapagtrabaho ako sa isang halamanan," sagot ni Mia.

Mas lalong namangha si Dustin.

"Pinabilib mo ko... dahil diyan may ibibigay ako sayo," May kinapa sa bulsa niya si Dustin. "Ito. Matagal ko na talagang naiisip na ibigay ito sayo."

"Ah..." Nasentro ang tingin ni Mia sa ipinakita ni Dustin. Isa iyong kwintas na hugis bilog at may kulay berdeng bato sa gitna.
(Katulad ito ng kwintas na ibinigay ni Nikela kay Emerald)

"A-Ang kwintas na iyan..." Dating magnanakaw ng mga bato si Mia kaya pamilyar sa kanya ang disenyo ng kwintas. "S-Saan mo iyan nakuha?"

"Mula pa ito sa aking ina,"sagot ni Dustin bago isinuot ang kwintas kay Mia. "Ang sabi ni ina epesyal ang kwintas na ito kaya dapat ibigay lang sa mga taong espesyal---Bagay sayo... Mia," ani Dustin matapos maisuot sa dalaga ang kwintas.

Napangiti si Mia. Napahawak din siya sa kwintas. Kahit minsan hindi niya naisip na posible siyang makapag suot ng ganito kamahal. Oo, mahal ito. Kung hindi siya nagkakamali tanging maharlika lamang ang maaaring magkaroon ng ganitong kwintas sa labas ng Liro.

Napakapalad ko, naisip ni Mia.

SAMANTALA, sa tore ng palasyo ay matatagpuan ang isang silid na kung tawagin ay Book. Tinatawag din ito na silid sanayan.

Isa itong malawak at kulay puting silid na walang mga bintana.  Sa gitna nito ay mayroong malaking fountain na naglalabas ng napakalinaw na tubig. Bukod sa fountain wala nang kahit anong laman ang silid.

Pumasok si Double Zero sa loob nito. Naglakad siya palapit sa fountain. Nang tuluyan na siyang makalapit ay biglang nagliwanag ang fountain.
Kasabay noon ang paglitaw ng mga imahe sa tubig---Imahe ng mga nakakatakot na halimaw at mababangis na hayop.

Maya maya pa biglang naglabasan at naging totoo ang mga imaheng iyon.
Sinalakay nila nang sabay-sabay si Double Zero.

Hinarap naman sila ni Double Zero gamit ang pisikal nitong lakas.

Si Echezen ang lumikha sa silid na ito. Kapag tumingin ka sa tubig ng fountain at nag-isip ng gusto mong makalaban, magiging totoo iyon.

Mga halimaw at grupo ng malalakas na regulator ang madalas isipin ni Double Zero para makalaban.
Ganito ang paraan niya ng pagsasanay.

Maging sina Echezen at Dustin ay ganito rin.


Sa isang suntok lamang ni Double Zero ay naglalaho na ang mga hayop. Samantalang para sa mga halimaw kinailangan niyang palabasin ang kanyang espada.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now