Chapter 23 *Dahilan*

1.4K 59 0
                                    


Sumugod ang lalaking taga Sixth Squad dala ang palakol nito.

Mabilis namang nakailag si Emerald.

Patuloy sa pag atake ang lalaki. Tuloy din si Emerald sa pag-ilag.
Mga puno at lupa ang nasisira dahil sa palakol ng lalaking taga Sixth Squad.
Sa isa pang pagsugod nito, muntikan nang matamaan si Emerald.

"Ate Emerald!" tawag ni Sierra.

Nadaplisan lamang sa braso si Emerald.

Ngumisi ang kaaway. "Sa susunod tatamaan ka na!" pananakot pa nito bago muling sumugod.

Nakailag pa rin si Emerald at mabilis na lumukso papunta sa likuran ng lalaki. Kasunod noon ang pagtarak niya ng katana sa likod nito.

Hindi ito ang unang beses na nagawa niya ito. Hindi, dahil minsan na niya itong nagawa kay Gerad.

"Aaah!" Napasigaw ang lalaki. Kasunod noon ang pagsirit ng dugo mula sa likuran nito.
Subalit tila panandalian lamang ang sakit na naramdaman nito. Agad itong tumingin kay Emerald taglay ang matapang na mukha.

Napansin iyon ni Emerald kaya agad siyang dumistansiya.

"Ikaw..." Pansin ang galit sa mukha ng lalaki.

Napansin din iyon ng kanyang kasama (ang lalaki na may hawak kay Sierra) kaya nagpasya ito. "Sige na... wag ka nang magtimpi sa kanya. Tapusin mo na siya!"

"Hindi mo na kailangang sabihin. Tatapusin ko na talaga ang babaeng ito!" Sumugod nang mabilis ang lalaki.

Inihanda naman ni Emerald ang kanyang sarili.

Katulad din lang ito ng madalas kong gawin sa Fourth Squad, naisip niya katunayan isang malaking baboy ramo ang tingin niya sa taong paparating.

"Hindi ako magpapatalo sayo!"

Bago pa man maihampas ng lalaki ang hawak na palakol ay nagawa nang itarak ni Emerald ang kanyang katana sa tiyan nito.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Kasabay noon ang pagsuka nito ng dugo at tuluyang pagbagsak sa lupa.

"N-Nagawa niya!" sabi ng kasamahan nila na Tagapagbili.

"Paanong?" Gulat na gulat ang lalaking may hawak kay Sierra.

Tuwang-tuwa naman si Sierra. "Ang galing mo, ate!"

"Tumahimik ka diyan!" singhal ng lalaki bago nito hinawakan sa buhok si Sierra. "Hoy ikaw!" Si Emerald ang tinutukoy niya. "Aalis kami rito at hindi mo kami pipigilan dahil kapag ginawa mo iyon, lagot sa akin ang batang ito. Ah!"
May biglang humawak sa palakol ng lalaki."A-Ang sandata ko!" Nakita niya na unti-unti iyong nalulusaw.

"Nikela!" bulalas ni Emerald nang makita ang binata sa likod ng lalaking taga Sixth Squad. Hawak nito ang palakol na unti-unting nalulusaw.

Agad lumukso palayo ang lalaking taga Sixth Squad. Lumong lumo ito nang makitang tuluyan nang nalusaw ang talim ng kanyang palakol. Agad siyang tumuon kay Nikela. "Ikaw! Anong ginagawa mo rito... bakit ka nakikialam?" singhal niya. Ngayon lang kasi nangyari na may nakialam na taga First Squad sa kanila.

"May problema ba kung makialam ako?" sagot ni Nikela bago dahan-dahan naglakad. Nilapitan nito ang lalaking napabagsak ni Emerald. Binuhat niya ito at inihagis sa direksyon ng isa pang lalaki.
"Buhay pa ang isang 'yan! Iuwi mo na agad dahil kapag namatay yan papatayin din kita!"

"Ah!" Naalarma ang lalaking taga Sixth Squad kaya nga nagmadali na itong sumakay sa sasakyan nila bitbit ang kasama. Pinatakbo agad nito nang mabilis ang sasakyan.

"Sa tingin ko mabubuhay siya kaya hindi ka mababawasan ng lightyears," sabi ni Nikela kay Emerald.

"Kuya Nikela!" tawag ni Sierra. Agad itong tumakbo palapit sa lalaki. Halos kuminang ang mga mata nito dahil sa wakas ay muli niyang nakita ang kanyang tagapagligtas.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now