Chapter 3 *Sa Tarangkahan Ng Venus*

2K 86 4
                                    

PAGKALIPAS ng dalawang araw, dinala na si Emerald sa pinaka ilalim na bahagi ng Kabin. Bago 'yon binigyan siya ng damit at isang bracelet. Hindi alam ni Emerald kung para saan ang bracelet. Hindi rin niya gusto ang damit na ibinigay sa kanya---Kupas na pantalon at malaking kulay lila na pang-itaas. Bilang anak ng mananahi, alam niya kung ano ang maganda sa pangit na tela, kaya natitiyak niya na hindi maganda ang tela nito. Ngunit ano nga ba ang aasahan niya sa kasuotan ng bilanggo? Dapat ngayon pa lang masanay na siya.

Pagdating ni Emerald sa ilalim ng Kabin, bumungad agad sa kanya ang isang babaeng regulator. Ito ay si Elisse Carmine. Napakatalim ng mga mata nito, tulad sa tigre. Mahaba ang kulot nitong buhok at maitim ang balat. Kapansin-pansin rin ang maskulado nitong katawan.

"Tatlo lang pala kayo?" sabi nito.

Doon lang napansin ni Emerald na bukod pala sa kanya, may dalawa pang babae na sumunod sa kanya na inihatid. Katulad niya ng suot ang mga ito. Pati ayos ng buhok, magkakatulad sila-nakapuyod. Meron ding suot na mga bracelet ang dalawa.

"Ikaw na ang bahala sa kanila," bilin ng lalaking regulator na naghatid kina Emerald bago ito umalis.

Sinundan pa ito ng tingin ni Elisse. Nang tuluyan itong makaalis ay tsaka na humarap ang babeng regulator sa tatlong bilanggo.

"Sige... tumayo kayo sa harapan ko..." may autoridad na utos nito. Agad namang sinunod ng tatlong babae ang utos niya. Tumayo sila nang magkakatabi sa tapat ng babae. Sa kanan pumuwesto si Emerald.

"Bago tayo magsimula, gusto ko munang ipakilala ang sarili ko ... Ang pang pangalan ko ay Elisse Carmine. At ako ang magiging tagapasanay n'yo."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Emerald. Tagapagsanay? Para saan? Naisip niya.

Maging ang dalawa niyang kasama ay tila nagulat din.

Napangisi si Elisse. "Alam ko na mabibigla kayo kaya magpapaliwanag ako. Sisimulan ko 'yon sa pagsasabi ng mga aasahan n'yo sa Venus. Pero paalala lang... Bawal magtanong. Kung ano ang sasabihin ko... iyon na yon. Kung may mga tanong pa kayo... alamin n'yo na lang pagpasok n'yo sa Venus. Maliwanag ba?"

Napalunok yung babae na nasa gitna. Iyon ay si Ella Krizzia. Singkit ang mga mata nito at malaki ang bibig. Kung ikukumpara kay Emerald at sa isa pang babae na kasama nila, siya ang pinaka mataas at pinaka maputi.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Elisse. "Handa na ba kayong makinig?" tanong niya.

Walang sumagot.

"Bingi ba kayo? TINATANONG KO KAYO!" malakas niyang sigaw.

"Opo!"

"Ano?" Hindi siya kontento sa mahina nilang sagot.

"OPO!" Sa pangalawang pagsagot lang nila nakontento si Elisse.

At nagsimula na nga ito sa pagpapaliwanag.

"Ang Venus ay dating maunlad na bayan... pero isang araw nabalot ito ng isang nakamamatay na sakit. Iyon ang dahilan kung bakit sa loob ng halos tatlong taon na-abanduna ang bayang iyon. Isang araw may dalawang salamangkero na lumapit sa hari at iminungkahi na gawing kulungan ang Venus. Limampung taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari iyon. Napakaganda ng inihaing plano ng mga salamangkero kaya napapayag nila ang hari. Pinalibutan ng mga pader ang Venus ngunit hindi lang 'yon basta mga pader. May kung anong mahika na iniligay doon ang mga salamangkero upang sa ganon hindi ito basta masira. At marami pa silang inilagay na mga kakaibang bagay sa Venus. Iyon ang dahilan kung bakit mahirap makalabas doon."

"Kung gayon, totoo ang mga sabi-sabi na wala talagang paraan para makalabas doon?" biglang nagtanong yung babaeng bilanggo na nasa kaliwa.

Nagtaas si Elisse ng kilay. "Hindi ba sinabi ko na bawal matanong?"

Prisoners in VenusWo Geschichten leben. Entdecke jetzt