Chapter 56 *Pagkakamali*

1K 44 3
                                    

Lumaki si Dustin Diamond sa First Region na isang Servant.
Wala siyang ginagawa noon kundi ang mamasyal sa buong Venus.
Marami kasing naiwang ruby ng kanyang mga magulang kaya kahit hindi siya magtrabaho ay may sapat siyang pambili ng mga pangangailangan niya.
Sa madaling salita ay napakapayapa ng buhay niya.

Subalit sa kabila ng tahimik na pamumuhay na iyon ay tila may kulang.
May kulang dahil wala siyang layunin.
Tama.
Hindi niya alam kung ano ang patutunguhan niya.

Hanggang sa lapitan siya nina Nikela at Echezen na nang mga panahon na iyon ay mga Hashke pa lamang.

"Hindi ko kayo maintindihan!" simula ni Dustin. "Bakit n'yo ko isasali sa grupo n'yo, eh wala naman akong espesyal na kapangyarihan?"

Mabilis siyang sinagot ni Echezen.

"Dahil maharlika ka."

"Dahil maharlika ako?" ulit ni Dustin.
Ang totoo ay hindi na iyon lingid sa kanya.
Bata pa lang alam na ni Dustin ang pinagmulan ng kanyang ina.

"Ano namang kinalaman ng pagiging maharlika? May magagawa ba iyon para matulungan ko kayo?" Isa pang tanong ni Dustin.

Hindi na nakapagsalita si Echezen kaya naisip ni Dustin na umalis na lang.
Medyo nainis pa siya dahil ang akala niya talaga ay kaya siya gustong makasama ng dalawa ay dahil nakita ng mga ito ang kakayahan niya. Mahusay din naman kasi siyang makipaglaban dahil naturuan siya ng kanyang mga magulang, pero hindi naman pala.
Dahil lang pala sa dugo niya na sa tingin naman niya ay hindi mahalaga dahil nasa Venus siya.

"Kailangan ka namin!" Biglang sabi ni Nikela.

Napahinto si Dustin.
Napatingin kay Nikela.

"Sigurado ako na matutulungan mo ko, Dustin! " sabi pa ni Nikela.

"Bakit? Paano mo naman nasabi na makakatulong ako?" hamon ni Dustin.

"Dahil kadugo kita! Kaya naman nagtitiwala ako sayo!"buo ang tinig na sabi ni Nikela.

Ah. Biglang natigilan si Dustin.  "S-Sandali... ibig mo bang sabihin, maharlika ka rin?" tanong niya.

Tumango si Nikela.

Hindi makapaniwala si Dustin, pero bigla siyang napangti.
Napawi ang inis na nadama niya kanina.
Ngayon niya lang kasi nalaman na meron pa pala siyang kalahi sa lugar na ito.

"O sige! Payag na ko na sumapi sa grupo n'yo!"
Sumali siya sa dalawa.
Binigyan siya ng kapangyarihan ni Echezen.
At magkakasama nilang sinalakay at tinapos si Elixis Acro. 

Magmula noon ay mas naging malakas pa si Dustin.
At nakilala siya sa buong Venus.

Bakit ko ba iyon naalala? tanong ni Dustin sa isip.
Kung kailan kasi nasa gitna ng laban ay saka pa iyon bumalik sa kanyang isipan.

Pero siguro isa iyong paalala na hindi siya dapat magpatalo.

Malaki ang naging tama niya pero hindi niya dapat indahin.
Kahit anong mangyari.
Lalaban siya.

Biglang umilaw ang palad ni Dustin. 
Balak niyang magpakawala ng bola ng enerhiya.

Napangisi lamang ang lalaki na kaharap niya.

Inihagis ni Dustin ang bola.

Pero pinalo lamang iyon ng maliit na lalaki gamit ang sibat nito. Tumilapon ang bola ng enerhiya sa malayo at doon sumabog.

"Iyon lang ba ang maipagmamalaki mo?" pagyayabang ng lalaki. Malapad ang ngiti niya subalit biglang nawala nang hindi makita si Dustin.
Paanong?

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now