Chapter 64 *Masayang Wakas*

1.1K 52 5
                                    


"I suppose it goes without saying that negative speaking so often flows from negative thinking, including negative thinking about ourselves. We see our own faults, we speak-or at least think-critically of ourselves, and before long that is how we see everyone and everything. No sunshine, no roses, no promise of hope or happiness. Before long we and everybody around us are miserable.
"... We should honor the Savior's declaration to 'be of good cheer' [Matthew 14:27; Mark 6:50; John 16:33]. (Indeed, it seems to me we may be more guilty of breaking that commandment than almost any other!) Speak hopefully. Speak encouragingly, including about yourself. Try not to complain and moan incessantly"
--Elder Jeffrey R. Holland



Malinaw ang naging pangyayari.
Sumanib na si Zero One kay Double Zero.
Ibig sabihin ay tuluyan nang naglaho si Zero One.

"Nikela..." Nakabagsak pa rin si Emerald sa lupa.
Kahit nawala na si Zero One ay hindi pa rin siya kumbinsido na wala na nga ito.
Dahan dahan siyang tumayo.
Humakbang.
Palapit kay Double Zero.
"Si Nikela. Ibalik mo siya!" sabi niya.

Pero hindi siya pinansin ni Double Zero.
Bigla na lamang itong tumawa nang malakas. "Tulad ng inaasahan, ako pa rin ang magwawagi! Ngayon, buo na ang lakas ko!" sabi nito na halatang nagmamalaki. Tumingin ito sa direksyon ng dalawa pang Superior. "Anong masasabi n'yo?

"Wala na ba talaga si Zero One?" diretsong tanong ni Dustin.

"Hindi na ume-epekto sa akin ang kapangyarihan ni Echezen kaya hindi na ako magiging dalawa. Ganito na lang ako. Si Double Zero na lang ako habang buhay!"

"Pero kaya mo na ba? Kaya mo na bang pigilan ang sarili mo na huwag pumatay?" dagdag na tanong ni Dustin.

Ngumisi lamang si Double Zero.

Napatulala naman si Emerald.
Kasabay niyon ang mga salitang naglaro sa isip niya.

Panaginip lang ito.
Oo. Isa lamang itong panaginip.
Hindi puwedeng mawala si Nikela. May usapan kami. May pangako siya sa akin.
Hindu ito totoo.
Hindi. Hindi.

"Ibalik mo si Nikela!" Napasigaw si Emerald. "Ibalik mo siya!" ulit niya.

Napatingin sa kanya si Double Zero. Isang matalim na tingin. "Ano?"

"Ibalik mo sa akin si Nikela!"

Naningkit ang mga mata ni Double Zero. "Hindi pa ba malinaw sayo? Wala na siya. Ibig sabihin hindi na siya babalik!" giit nito.

Napailing si Emerald.

Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Double Zero.

"Dahil wala na si Zero One, wala na rin dahilan para manatili ka rito. Umalis ka na! Alis na!"

"Itigil mo iyan!" Pumagitan si Mary. Lumapit siya kay Double Zero at tumingin dito nang diretso. "Talaga bang gusto mong paalisin si Emerald?"

"Rose siya ni Zero One---ni Zero One lang! Wala na si Zero One, kaya wala nang dahilan para manatili pa siya rito!" Pinagdiinan ni Double Zero ang huli niyang mga salita.

"Ganoon ba...Oh, sige. Paalisin na natin siya. Pero sa pagkakaalam ko, para mapaalis ang isang Rose, kailangan munang tanggalin ng kanyang Superior ang marka ng pangalan na nasa kanya, hindi ba?"

"Ah..." Biglang natahimik si Double Zero.

Napangiti si Mary. Talagang inasahan niya ang ganitong reaksyon ng lalaki."Hindi mo kaya, ano? Hindi mo kayang tanggalin ang marka mo sa kanya, tama ba?"

"Tigilan mo ko."

"Alam ko naman na hindi mo talaga iyon magagawa. Dahil kahit ano pang sabihin mo. Kahit itanggi mo pa nang paulit ulit. Alam ko na sa loob mo ay nariyan pa rin si Zero One. Ibig sabihin may bahagi ka pa rin na nagmamahal kay Emerald!

Prisoners in VenusDär berättelser lever. Upptäck nu