Chapter 61 *Paalam, Seventh*

1.2K 54 9
                                    

A/N A long update for everyone! Happy 14k+ reads :)

***

"Nikela."

Nakalapit na si Emerald sa lalaki.
Gusto niya sana itong yakapin, pero nag-alangan siya.
Hindi naman kasi ito si Zero One.
Kaya nga sapat na para sa kanya ang mahigit sa tatlong pulgada nilang pagitan.

Humarap sa kanya si Nikela.

Napangiti si Emerald.
Maayos na maayos na kasi ang itsura ng lalaki.

"Mabuti naman at maayos na ang lagay mo. Nag-alala talaga ako sayo," sabi ni Emerald.

Hindi nagsalita si Nikela. Nanatili lamang itong nakatingin sa kanya.

"Ah, Nikela. Naalala mo pa ba ko?" Naisip ni Emerald na magtanong.

"Lahat ng ginawa nila Zero One at Double Zero naaalala ko kaya kilala kita," sagot ni Nikela gamit ang malumanay na boses.

"Ganoon ba. Pero iyong pagliligtas mo sa akin noong mga bata pa tayo, naaalaa mo rin ba iyon?"

Hindi sumagot si Nikela.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Emerald.
"Matagal din akong nabulag. Hindi ko alam na ikaw ang nagligtas sa akin kaya gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para pasalamatan ka. Maraming salamat." Yumuko si Emerald.

Kasabay nang pagyuko niya ay ang biglang paglapit at pagyakap sa kanya ni Nikela.

"Ah!" Namilog ang mga mata ni Emerald.
Bakit?
Bakit niya ko niyayakap?
"N-Nikela?"

Puno ng pagtataka si Emerald, pero hindi na rin siya nakatiis.
Niyakap na rin niya ang lalaki.

Ang yakap niya... punong puno ng init. Punong puno ng sekyuridad. Pakiramdam ko ay ligtas talaga ako sa mga bisig na ito. Napakasarap sa pakiramdam, naisip ni Emerald.

"Mali ito!" biglang sabi ni Nikela.

"Ha?"

Kumalas ang lalaki sa pagyakap at agad na tumalikod.

"Nikela?" Nag-alala si Emerald, pero naiintindihan niya. Malamang ay naghahalo ang dalawang katauhan nito.

"Nikela!"
Si Dustin.
Bigla itong dumating sakay ng isang kabayo. Nasa likod nito si Mia.

"Dustin," sambit ni Nikela.

Mabilis na bumaba mula sa kabayo si Dustin at inalalayan si Mia sa pagbaba.

Lumakad naman si Nikela palapit sa kanila. "Ayos ka na ba?" tanong ni Nikela.

"Oo. Salamat sa ginawa mo," sagot ni Dustin sabay pakita sa braso niya na naputol kanina. "Maayos na ito ngayon, at utang ko iyon sayo."

"Iniligtas mo rin ako kaya patas lang tayo," sabi ni Nikela.

"Ganoon ba."

"Ang mabuti pa puntahan na natin si Echezen. Kailangan na niyang magising para ayusin ang lahat ng sira rito," saad ni Nikela bago niya sinulyapan ang mga pinsala sa palasyo.

"Sige, puntahan na natin siya," pagsang-ayon ni Dustin sabay tingin kay Mia. "Mia, aalis muna kami. Dito ka na muna."

Tumango lang si Mia.

Muling sumakay ng kabayo si Dustin at mabilis iyong pinatakbo.

Sinulyapan naman ni Nikela si Emerald bago ito nawaoa na parang hangin.

"Saan sila pupunta?" tanong ni Mary. Saktong paglapit niya kasi ay ang pag-alis ng dalawang lalaki.

"Pupuntahan nila si Echezen, " sagot ni Mia.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now