Final Chapter *Paalam, Venus*

1.5K 81 9
                                    

Hindi kayo nagkakamali ng basa.
Ito na ang huling kabanata.
Sa lahat ng mga matiyagang bumasa nito, maraming salamat.
Sorry if natagalan. Marami lang talagang trabaho.
(I will edit this story kaya kung may mga suggestions kayo... comment lang po.
Goodluck sa editing ko.)

***

Lungga ng mga leon.
Dito kilala ang Venus.

Wala nang nakalalabas pa ng buhay rito.
Iyon ang paniniwala ng lahat.

Subalit sa kauna-unahang pagkakataon, mayroon na.
Mayroon nang makalalabas sa legal na pamamaraan.

"Emerald, handa ka na ba?" tanong ni Dustin.
Nasa Book silang dalawa.
Sa oras na ito ay handa nang ipagkaloob ni Dustin ang kanyang kapangyarihan.
"Mabilis lang ito. Sa oras na maramdaman mo ito bibilis  ang takbo ng oras. Mapupuno na ang lightyears mo, medyo mainit lang ito."

"Ah!" Agad na nag-alala si Emerald.  Hindi para sa sarili kundi sa dinadala niya."

Ngumiti si Dustin. "Huwag kang mag-alala. May kapangyarihang inilagay si Nikela sa ipinagbubuntis mo kaya hindi siya maapektuhan."

Mabuti naman, naisip ni Emerald.

"Heto na..." Hinawakan ni Dustin sa ulo si Emerald.
At tulad ng sinabi niya, nakaramdam ng matinding init si Emerald. Isang malakas na puwersa ang dumaloy sa kanya.
Kasabay niyon ang mga larawan ng Venus na isa isang nanumbalik sa kanyang isipan.

Ang Disyerto.
Ang iba't ibang region.

Nakita niya rin ang mga squad at mga bilanggo na nakilala at nakasalamuha niya.

Masasabi niya na maraming naibigay na karanasan sa kanya ng Venus.
Karanasan na ngayon ay mga alaala na lamang.

"Tapos na," sabi ni Dustin.

Napaawang ng labi si Emerald nang makita na puno na ang kanyang lightyears.
Kasunod noon ang pagliwanag nito at pagkawala ng numerong nakasulat dito.

Talaga ngang aalis na ako, naisip ni Emerald bago siya tumingin kay Dustin. 

Ngumiti ito sa kanya. "Oras na Emerald.  Oras na para magpaalam ka sa lahat."

Biglang nangilid ang luha ng dalaga.
Hindi ba dapat maging masaya siya dahil makakalabas na siya? Bakit nakakadama siya ng kalungkutan?
Pero ganito yata talaga ang pakiramdam ng mapahiwalay sa mga taong napamahal na sayo.

Palabas na sila ni Dustin sa Book nang biglang pumasok si Echezen.

"Echezen," sambit ni Emerald.

Tumitig ito sa kanya.

"May sasabihin ka ba kay Emerald?" tanong ni Dustin sa lalaki.

"Ah, naghihintay na sila sa labas," ang tanging sinaabi nito.

Paglabas nga nila ay naroon sina Mary, Sierra at Mia.

"Emerald." Niyakap siya ni Mary.

"Mary..."

"Mag-iingat ka," sabi nito bago kumalas sa pagyakap.

"Naihanda ko na po ang mga gamit n'yo," sabi naman ni Sierra. Maya maya ay bigla na itong naiyak. "Mamimiss kita, ate," iyak nito.

Niyakap siya ni Emerald.  "Maraming salamat sa lahat, Sierra. Maraming salamat."
Pagkatapos sabihin iyon ay kay Mia naman siya tumuon.

Hinawakan naman ni Mary si Sierra sa mga balikat upang aluin.

"Mabuti naman at aalis ka na," sarkastikong sabi ni Mia. "Ikumusta mo na lang ako sa anak mo paglabas niya."

Ngumiti at tumango si Emerald.

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon