Chapter 49 *Ang Kasaysayan ng Venus* [Part 1]

1.1K 47 0
                                    

May kaguluhan sa labas ng palasyo.
Batid iyon ni Echezen,  subalit wala siyang magawa. Nakaupo lamang siya sa kanyang silid at hinahayaan ang iba na umayos sa gulo dahil bawal siyang lumabas.
Bahagi iyon ng kanilang patakaran.
Hindi siya puwedeng lumabas kapag may Intruder.

Sino ba ang gumawa ng patakarang iyon?

Ah, si Dustin. Naalala ni Echezen na ito ang nagmungkahi non at pinangalawahan iyon ni Nikela  kaya naman napagtibay. Hindi na siya nakatanggi.

Nasa gitna ng pagbabalik tanaw si Echezen nang may kumatok.

"Superior, may dala po akong pagkain." Isang Servant.

"Sige, pumasok ka," sabi ni Echezen.

Bumukas ang pintuan. Pumasok ang Servant dala ang pagkain.
Inilagay nito ang mga pagkain sa lamesa.

"Ano nang nangyayari sa labas?" tanong ni Echezen habang pinapanood ang Servant sa paghahanda ng kanyang pagkain.

"May mga kakaibang nilalang po na nasa labas,  pero wala naman po kayong dapat alalahanin dahil hinaharap sila ng mga Hashke."

"Ganoon ba."

"Kumain na po kayo," sabi ng Servant.

Kumuha na ng kubyertos si Echezen. Susubo na siya nang may mapansin na kakaiba sa pagkain. Inamoy niya ito. Kakaiba.

Paalis na ang Servant.

"Sandali lang!" tawag ni Echezen.

"Bakit po?" Humarap ang Servant.
Bigla itong sinakal ni Echezen.

"B-Bakit po, Superior?"

"Bakit? Huwag ka nang magkunwari! Sino ka!"

"Ah..."
Biglang nagliwanag ang mga mata ng Servant. Kasunod non ang pagbabagong anyo nito. Naging taong gagamba.

Agad napaatras si Echezen. Paano ito nangyari? Paanong naging halimaw ang isa sa mga Servant ko.?

"Raarrr!" Sumugod ang taong gagamba, pero bago pa man ito makalapit ay bigla na itong nalusaw at naging abo at dahil iyon sa enerhiyang mabilis na pinakawalan ni Echezen.
Nanlilisik ang mga mata ng binata.
"Mga pesteng intruders!" nasabi niya bago siya tumingin sa bintana.

Sa labas ng palasyo,
Nakikipaglaban na si Afrile sa mga higanteng gagamba, ahas at alupihan. Gamit niya ang kamao sa paglaban.
Isa sa mga katangian ni Afrile bukod sa natatangi niyang pandinig ay ang kanyang pisikal na lakas.
Sa bawat suntok niya ay nadudurog ang mga higante kasama na ang lupang kinatatayuan nito.
Kasama ni Afrile na nakikipaglaban ang iba pang Hashke.
Pinanonood lamang naman sila ng dalawang lalaki na bahagi ng Serpents.

"Afrile."

"Ha?" Biglang natigilan si Afrile nang marinig ang pagtawag na iyon. Tumingin siya sa kanyang lijuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makita sa taas ng tarangkahan ng palasyo ang kanikang Superior na si Echezen.

"Superior, bakit kayo lumabas?" usal ni Afrile.

"Superior?" Napatingin ang dalawang miyembro ng Serpent kay Echezen.
"Siya ang superior?" tanong ni Macro. Ang Siyentipiko at pinuno ng grupo.
Napangisi naman ang kanyang kasama na si Giba.

Tumingin sa kanila si Echezen.
Tingin iyon na may malalim na kahulugan.

"Ayoko ng basura sa palasyo ko kaya tapusin n'yo na silang lahat!" sabi ni Echezen bago ito parang hangin na naglaho.

Napangiti ang dalawang miyembro ng Serpent.

"Mukhang iniwan na kayo ng pinuno n'yo," sabi ni Macro.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now