Chapter 30 *Ang Pagkabuhay ni Zero One*

1.2K 68 4
                                    


Malinaw iyong narinig ni Nikela.

Gusto ni Emerald na lumayo na siya.
Pero hindi siya papayag.

"Emerald, makinig ka." Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga. "Kaya nagagalit si Double Zero ay dahil akala niya... masama ka. Alam ko na kapag nakilala ka niya magbabago ang pananaw niya. Ang totoo may plano na ako kung paano iyon magagawa."

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko lumayo ka na sa akin!"giit ni Emerald.

Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Nikela. Unti-unti niya rin tinanggal ang pagkakapit sa balikat ng dalaga.

"Sigurado ka ba?" tanong niya gamit ang malamig na tinig.

"Oo," mabilis na sagot ni Emerald. "Ayoko nang magkaroon ng kaugnayan sayo... dahil kapag nandiyan ka siguradong mapapahamak lang ako."

Isang mahabang katahimikan... bago nagsalita sj Nikela.

"Sige... kung yan ang gusto mo...
Magmula sa araw na ito hindi mo na ako makikita," sabi ni Nikela bago ito parang hangin na nawala.

Kasabay nang pag-alis ni Nikela ay ang pagpatak ng mga luha ni Emerald. Napakapit din siya nang mahigpit sa hawak na bulaklak.
Ito na ata ang pinaka masakit na desisyon na kanyang ginawa.

Hindi agad bumalik sa First Region si Nikela. Naglakad lakad muna siya sa disyerto. Nasa isip niya pa rin ang mga salitang binitiwan ni Emerald. Parang tinutusok ang puso niya habang naaalala ang mga iyon.

Ayaw na sa akin ni Emerald, naisip niya. Ayaw niya sa akin dahil mapanganib ang tunay na ako...

Biglang bumalik kay Nikela ang alaala ng kanyang pagkabuhay.

Nang magising siya, ang una niyang nakita ay sina Dustin at Echezen. Ang dalawa ang nagsabi ng kanyang pangalan.

"Ikaw si Nikela," sabi ni Dustin.

"Pero makikilala ka bilang Zero One," dagdag ni Echezen.

Si Echezen din ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa kanyang pagkatao.

"Nabuhay ka upang alalayan si Double Zero. Kailangan mong umipon ng lightyears para sa kanya. Bilang kapalit bibigyan kita ng kalayaan. Maaari kang pumunta sa kahit saang lugar."

Iyon nga ang ginawa ni Zero One. Inikot niya ang buong Venus. Tinuklas niya ang mga bagay na matatagpuan sa bilangguan...
Sa kanyang paglilibot ay nakakita siya ng lugar na sa palagay niya ay nararapat para sa kanya--- iyon ay sa lugar ng mga Hashke. Pinili niya na maging bahagi nito. Pero hindi siya nagtatagal dito dahil madalas ay sumasakit ang kanyang ulo. Kapag nangyayari iyon ay bumabalik siya sa pagiging Double Zero.

Minsan, habang namamasyal siya ay may nakilala siyang mga kaibigan.
Mga kaibigan na tinatapos ni Double Zero.
Nalaman niya agad na ayaw siya nitong magkaroon ng kaibigan. Sinabi pa ni Dustin na sa palagay niya ayaw nito sa mga nagiging kaibigan niya dahil halata naman daw na nakikipagkaibigan lamang ang mga ito dahil alam nila na may koneksyon siya kay Double Zero.
Doon na niya naisip na humanap ng kaibigan na hindi manggagamit.
Baka sakaling hindi ito tapusin ni Double Zero kung malinis ang intensiyon nito.

Upang matiyak na totoong kaibigan ang mahahanap, minabuti ni Zero One na ang lapitan ay iyong bagong bilanggo, para sigurado siya na hindi siya nito kilala.

Iyon ang dahilan kaya naging madalas ang pagpunta niya sa disyerto. Umaasa siya na makatiyempo ng puwedeng maging kaibigan.

Ang gusto niya sana ay isang malakas na lalaki subalit nagbago iyon nang makita niya si Emerald. Hindi niya alam pero pakiramdam niya, nakita na niya ito noon pa.

Gusto pa sana niya itong makasama nang matagal pero kinailangan na niyang umalis dahil naramdaman niya na lalabas si Double Zero.

Magmula noon, kapag may pagkakataon ay pinupuntahan na niya ito. Nag-iingat lang siya na huwag nitong makaharap si Double Zero dahil baka mapahamak ito.

"Akala ko ba totoong kaibigan siya? Bakit natatakot kang ipakilala siya kay Double Zero?" tanong ni Dustin matapos niyang malaman ang tungkol kay Emerald at ang pagnanais ni Zero One na ilayo ito kay Double Zero.

"Hangga't di ako sigurado na hindi siya sasaktan ni Double Zero, hindi ko sila hahayaan magkita. Ayokong ilagay sa panganib ang buhay ng bago kong kaibigan."

"Aba... mukhang tinamaan ka sa kanya ah..." komento ni Dustin na itinaggi naman ni Zero One. Nang mga oras kasi na iyon ay di niya pa alam ang damdamin para kay Emerald. Naging malinaw lamang iyon matapos niyang ibigay dito ang kanyang kwintas.

Gusto niyang makasama si Emerald.

Kaya nga bago ang Selection ay kinausap niya si Echezen.

"Echezen.. Puwede rin ba akong magkaroon ng Rose?"

Ito ang tanging paraan na naisip niya para makasama si Emerald.

"Bakit, may nagugustuhan ka ba?" seryosong tanong ni Echezen.

Tumango siya.

"Gusto ko muna siyang makilala bago ako magpasya," sabi ni Echezen.

"Sige. Papupuntahin ko siya rito."

Iyon ang dahilan kaya pumasok si Zero One sa panaginip ni Emerald at inimbitahan ito na manood ng Selection.

Balak niya sanang ipakilala si Emerald kina Dustin at Echezen at pagkatapos ay ayain itong maging Rose... subalit isang pangyayari ang naganap na sumira sa kanyang plano.

Biglang lumabas si Double Zero.

Doon na nangyari ang kinatatakutan ni Zero One.

Sinaktan ni Double Zero si Emerald.

Nang makabalik si Zero One, pinuntahan niya agad si Emerald... pero sa pagkakataong iyon ay nawala na ang pagnanais niya na makasama ito... iyon ay matapos niyang malaman kung gaano kalupit ang ginawa dito ni Double Zero. Ayaw niya iyong maulit, kaya lalayo na siya.
Pero mahirap labanan ang sarili.... kaya nga sa bandang huli ay hindi rin napigilan ni Zero One na ipakita ang kanyang damdamin para sa dalaga.

Gusto niya sana na magsama na sila pero hindi ito pumayag. Mas lalo pa itong umayaw nang malaman ang tunay niyang pagkatao.

"Double Zero!" Biglang sumigaw si Zero One. Halos yumanig ang disyerto dahil sa lakas ng boses niya... pero ang sumunod niyang sinabi ay iwinika na niya gamit ang malumanay na tinig. "Sino ba ang totoo sa ating dalawa? Puwedeng ako na lang? Pakiusap... wag ka nang lumabas." Iyon ang daing ni Zero One, isang daing na sa palagay niya ay di naman didinggin ni Double Zero.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now