Chapter 12 *Ang First Region*

1.6K 70 1
                                    


Alam ni Emerald na nananaginip lang siya. Ngayon kasi ay nakikita niya ang sarili sa burol kung saan sila madalas magkita ni Gerad.

Anong ginagawa niya rito?

Hinihintay niya ba si Gerad?

Iyon nga siguro ang dahilan. Hinihintay niya ang lalaki para marinig ang paliwanang nito.

Alam niya na kailangan niyang magalit dito ngunit batid niya rin na sa oras na makita niya ito may posibilidad na lumambot siya at mapatawad agad ang lalaki.

Katulad noon. Sa tuwing siya ang nauuna sa burol, iniisip niya na magagalit siya kay Gerad ngunit hindi na niya iyon nagagawa kapag nakikita na niya ito. Sa tingin niya ay mauulit iyon.

Ngunit ano man ang mangyari. Ano man ang sabihin ni Gerad, hindi na mahalaga... ang importante ay makita niya ito.

"Emerald!"

Namilog ang mga mata ni Emerald nang marinig ang tawag na iyon. Bakit siya kinakabahan gayung panaginip lang naman ito? Mas lalo pa siyang kinabahan nang matanaw niya na paparating na ang lalaki.

"Emerald!"

"Aah!" napasigaw si Emerald dahil sa halip na si Gerad ay si Nikela ang bumungad sa kanya.

"I-Ikaw? Bakit ikaw?" gulat na tanong ni Emerald.

"Naabala ko ba ang panaginip mo?" tanong ni NIkela.

Di naman makausap si Emerald.

"Pero maganda ang lugar na ito." Nagsimulang magpalinga-linga ang lalaki. "Mapalad ka at nakakapanaginip ka ng ganito, Emerald" sabi nito.

Mas lalo na tuloy naguluhan si Emerald. "Bakit nasa panaginip kita?" tanong niya.

Nakangiti namang tumugon si Nikela. "Ang totoo pinasok ko ang panaginip mo."

"Ano? Pumasok ka sa panaginip ko? Pero... paano?"

"May kilala akong Hashke na kayang gawin iyon. Pinakiusapan ko siya na dalin ako sa panaginip mo. Akala ko hindi niya magagawa, pero nagawa niya..." paliwanag ni Nikela habang patuloy sa pagpapalinga-linga. "Maganda talaga ang lugar na ito. Sasabihin ko pala sa Superior na gumawa rin ng ganitong lugar."

Naguguluhan pa rin si Emerald.

"Oo nga pala!" sa wakas tumuon na si Nikela kay Emerald. "Kaya ako nagpunta rito ay para imbitahan ka, Emerald."

"Imbitahan? Saan?"

"Sa Selection!"

"Selection?"

"Kasali ako 'ron kaya sana manood ka."

"A-Ako?" naituro pa ni Emerald ang sarili.

"Ikaw na nga. Ikaw lang naman ang kausap ko 'di ba?"

"P-Pero, bakit?"

"Gusto ko lang makita mo kung gaano ako kagaling. At tsaka gusto ko dalan mo ko ng Sweet Juice, ayos ba 'yon?"

"Sweet Juice?"

"Iyon lang naman ang sasabihin ko. Sige na... aalis na ako."

"Emerald!" Si Gerad. Bigla itong dumating.

Napatingin dito si Nikela.

"S-Sino siya?" tanong ni Gerad nang makita ang lalaki.

"Sino ka?" balik na tanong ni Nikela. Nagkatinginan ang dalawa.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now