Chapter 42 *Intruder*

1.2K 59 5
                                    


Nawalan ng malay si Emerald matapos siyang pagsisipain ng pinuno ng Sixth Region.
Tila nitong mga nakaraang araw ay nagiging mahina siya.
Mabuti na lang dumating si Nikela.
Oo. Alam niya na si Nikela iyon. Patunay roon ang paglalapat ng kanilang mga labi.

"Nikela!"
Napabangon si Emerald.
Nakita niya ang sarili sa kanyang silid kasama ang dalawang Servant.

"Miss Emerald!  Mabuti naman at nagkamalay na kayo," sabi ng isa sa dalawang Servant.

Napakunot ng noo si Emerald. Paano ako napunta rito? tanong niya sa isip. Ano nga bang nangyari?
Kinailangan niya pa iyong alalahanin nang mabuti.
Si Nikela. Tama, bumalik na siya! Agad na tumayo si Emerald.

"Ah, sandali po Miss!" Pinigilan ng dalawang Servant si Emerald.

"Gusto kong makita si Nikela!" giit ni Emerald. Patayo na siya nang may bigla siyang marinig na ingay.

"Anong ingay iyon?" tanong ni Emerald.
"Naglalaban po ngayon sina Superior Dustin at si Zero One," bunyag ng isa sa dalawang Servant.

"Ano?" Gulat na gulat si Emerald.  Sa pagkakaalam niya kasi ay mabuting magkaibigan ang dalawa. Kilala niya pati si Zero One. Hindi naman ito mahilig sa away.

Sandali... Hindi kaya...

Nagkaroon ng ideya si Emerald sa posibleng dahilan ng paglalaban ng dalawa.

Dahil ba sa akin?

Tumakbo palabas si Emerald.

"Sandali po, Miss! Kailangan n'yo pa pong magpahinga!"
Humabol ang mga Servant ngunit di na nila napigilan si Emerald.

Paglabas pa lamang ni Emerald, nakita na niya agad sina Nikela at Dustin. Nasa loob ng silid ni Mia ang dalawa. Bukas ang pinto niyon kaya nakita niya. Naroon din sina Echezen at Mia.

Siguradong kaya sila naglalaban ay dahil sa ginawa sa akin ni Mia.

Pumasok si Emerald sa silid.
"Tama na 'yan!" Yinakap niya si Nikela.

"Emerald..." Bahagyang huminahon si Nikela. Napatingin ito kay Emerald. "Ayos ka na ba?" tanong nito.

Napatingin din sina Mia at Dustin kay Emerald.
Wala namang reaksyon si Echezen.

"Pakiusap. Huwag kayong maglaban," sabi ni Emerald

"Pero sinaktan ka nila!" giit ni Nikela.

Agad na umiling si Emerald. Totoong napahamak siya dahil kay Mia pero ayos na naman siya. Wala nang dahilan para mag-away pa ang magkaibigan.

"Wala silang kasalanan."

"Ano?" Naningkit ang mga mata ni Nikela.

"Sarili kong desisyon ang pagpunta sa Sixth para iligtas ang isang kaibigan. Walang kinalaman Mia."

Hindi kumbinsido si Nikela.

"Sige na... Pakiusap. Itigil mo na ito. Dustin! " Tumingin si Emerald kay Dustin.

Nagtaas ng dalawang kamay si Dustin.

"Nikela." Tumingin muli si Emerald kay Nikela.

Isang mariing tingin ang isinukli sa kanya ng lalaki. Kasunood noon ang paghawak nito sa kanyang mukha."Sigurado ka ba na ayos ka na?"

Tumango si Emerald.

"Mabuti kung ganon," sabi ni Nikela bago ito humarap kina Dustin at Mia. "Pasensiya na sa inasal ko. Nag-alala lang talaga ako kay Emerald."

Hindi umimik si Dustin.

Si Echezen ang nagsalita.
"Ngayong tapos na kayo. Sumunod kayo sa akin. May kailangan tayong pag-usapan."

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now