Epilogue

2.1K 107 26
                                    


Nasaan ka Emerald? Kailangan kitang makausap, sabi ng isang lalaki na nakatayo sa pader ng Venus.


Mula sa kinatatayuan nito ay matatanaw ang Emerald City.
Hindi makilala ang lalaki dahil may takip ang mukha nito. Tanging mga mata lang ang kita. Nakasuot din ito ng jacket na may hood.
Lumukso ang lalaki pababa ng pader.

Sa kakahuyan, may isang magarang karwahe na dumaan.
Nakasakay rito ang mga Euxine.
Kabilang roon si Emerald.
Dala ni Emerald sa mga bisig niya ang isang magandang sanggol.

Papunta ngayon ang mag-anak sa palasyo.
Inanyayahan kasi sila ng hari.
Ang totoo ay noon pa sila pinapupunta nito, noon pang nakalabas si Emerald pero nakiusap ang kanyang ama na saka na. Kapag nakaanak na siya.
Naunawaan naman iyon ng hari.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng kanyang ama.

"Opo," matipid niyang sagot bago tumingin sa anak na mahimbing na natutulog.
Kasunod niyon ang alaala ng kanyang paglabas.

Halos isang taon na rin iyon.

Nang makalabas si Emerald, hindi niya mapigilan ang umiyak.
Gusto niyang hawakan ang tarangkahan ng Venus.
Gusto niya itong buksan.
Gusto niyang pumasok muli.
Isa lang naman ang dahilan.
Para makasama si Nikela at kung sakasakali ay mabuo ang kanilang pamilya.

Subalit imposible na iyon.
Oo. Imposible na.
Hindi na siya puwedeng bumalik dahil sa batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan.
Para sa bata, kailangan niyang magsakripisyo.

Dahan dahan nang ibinaba ni Emerald ang kanyang kamay.
Tapos na ang oras ko ngayon sa Venus. Kailangan ko nang harapin ang tunay na mundo, sabi niya sa isip bago niya tinalikuran ang tarangkahan.
Natigilan siya nang makita ang bayan na matagal niyang hindi nasilayan.
"Emerald City," bulong niya.
Parang may luha na biglang sumilip sa kanyang mga mata.
Wala pa rin itong pinagbago. Wala pa rin, dagdag niya.
Sa sandaling oras ay tila bumalik sa isip niya ang kanyang kabataan.

"Ayon siya! Ayon siya!"

Bahagyang napaatras si Emerald nang makita niya ang mga Regulator na isa-isang pumapalibot sa kanya.

"Sigurado ako na nakita ko siyang lumabas galing sa tarangkahan," sabi ng isa.
"Seryoso ka ba?" parang alangan ang iba.
"Hoy ikaw! Lumabas ka nga ba talaga galing sa loob?" May isang nagtanong.

Hindi sigurado si Emerald kung sasagot siya.
Ano bang tamang sabihin?

"Sandali... parang kilala ko siya," may isang nagsabi. "Tama. Siya ang anak ni Virgo Euxine!" sigaw nito.

"Anak ni Euxine? Iyong babae na pumatay sa mapapang-asawa niya?" tanong ng kasama niya.

"Pero paano siya nakalabas? Ang tagal nang walang nakalalabas sa Venus."

Maraming tanong ang lahat.
Bukod doon ay parami rin nang parami ang mga Regulator. Ibig sabihin ay dumarami rin ang nakakakita kay Emerald. Bagay na nagpaisip sa kanya na tumakbo. Oo. Tila ba gusto niyang tumakas.
Wala naman kasing dahilan para kausapin niya ang mga taong ito.
Hindi na siya dapat mag-aksaya pa ng panahon.

Inihakbang na ni Emerald ang kanyang mga paa.

"Sandali!" Hinarang siya ni Caleb, ang kasalukuyang kapitan ng mga regulator gamit ang sibat. "Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ko."

"Ano? Hindi maaari!"

"Bakit hindi? Nakikita n'yo naman siguro, nakalabas na ako. Ibig sabihin tapos na ang sintensiya ko kaya malaya na ko."

Hindi nakaimik ang kapitan.
Muli nang naglakad si Emerald.

"Sandali lang!" Hindi pa rin pumayag ang kapitan na makaalis si Emerald. Sinenyasan nito ang mga kasamahan upang palibutan siya.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now