TH Chapter 1

45.1K 933 29
                                    

"Pero attorney ayoko ngang mag-asawa!" ang reklamo ni Maymay sa abogado ng pamilya nila.

"Hindi maaari Ms. Entrata. Nakasaad sa huling testamento ng iyong lolo na kailangan mong mag-asawa bago dumating ang ika-dalawampu't apat na kaarawan mo kung hindi ay mapupunta sa charity ang lahat ng iniwan nyang pamana. Pati ang mansyon at ang maisan ay mawawala sayo kapag hindi mo sinunod ang utos ng lolo mo."

"Pero paano ang mga tauhan namin sa maisan? Pati ba sila mawawalan ng kabuhayan?"

"Ikinalulungkot ko pero ganun na nga ang mangyayari kapag hindi ka sumunod."

"Pero ayokong mag-asawa dahil lang sa ganung dahilan! Gusto ko rin naman syempre na magpakasal sa taong mahal ko! Katulad ng mama at papa ko!"

"Ang mga magulang mo na sa sobrang pagmamahal nila sa isa't isa ay iniwan kang mag-isa."

Mahina ang pagkakasabi ng abogado noon pero rinig na rinig ni Maymay. Natahimik sya sa sinabi nito. Ayaw nyang makipagtalo dito dahil totoo ang sinabi ng abogado. Hindi rin naman kasi ito basta basta lang abogado ng pamilya nila kundi tiyuhin nya rin ito. Pinsan ito ng ina nya na sya na ring tumayong guardian nya ng maulila sya sa magulang at lolo nya. Mabait naman ito sa kanya. Masyado nga lang istrikto pagdating sa mga bilin ng lolo nya. Na sya namang hinahangaan nya rito. Kahit kailan kasi ay hindi ito naghangad sa kayamanan nila lalo na sa pamana sa kanya. Kaya hindi nya rin magawang tanggihan ang pinapagawa nito na inihabilin rin lang naman sa kanya ng lolo ni Maymay.

"Tito, wala na ba talagang ibang paraan?"

Lumambot naman ang puso ng abogado sa pagtawag sa kanya ng tito ni Maymay.

"I'm sorry, Maymay. But it is the only way that you can save the hacienda and its people!"

Sandaling natahimik si Maymay.
Nang sa wakas ay magsalita sya...
"Papayag na ako, pero sa isang kondisyon...."

"Anong kondisyon?

"Ako ang pipili ng mapapangasawa ko!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon