TH Chapter 65

8.7K 265 22
                                    

Bago maghiwahiwalay ay ipinaalala ni Maymay ang kaarawan nya kanila Rivero at Donato.

"Dapat hindi kayo mawawala sa kaarawan ko ha!"

"Oo naman!" si Rivero.

"Isama mo si Shar, namimiss ko na sya!"

"Sure! Sabihin ko sa kanya magfile na ng leave sa work para sigurado na makakapunta kami!" si Donato.

"Aasahan ko yan ha?"

"Ikaw pa ba?" si Donato.

"Lakas mo kaya sa amin!" si Rivero.

Nang akmang yayakap ito sa dalaga ay humarang si Edward.

Eto tuloy ang nayakap ni Rivero.

Natawa na lang si Rivero sa ginawa ni Edward.

Si Donato ay kunwaring yayakap din pero hindi na tinuloy dahil nakatingin ng masama si Edward.

"Possessive! Jowa ka na ba bro?" ang pang-aasar ni Marco sa kaibigan.

Tiningnan lang sya ng masama ni Edward.

"Shut up, Marco!" ang saway ni Maymay dito.

Umalis na nga ang magkapatid at umuwi na sa mansyon sila Maymay.

Sa mansyon ay nagpahinga na sila Marco at Juliana sa kani-kanilang kwarto.

Habang si Dodong ay nakiusap kay Maymay kung pwedeng mag-usap muna sila.

"Okay lang ba My May?"

"Ah sige! Dun na lang tayo sa terrace."

"Salamat!" at nagtungo na sila sa terrace.

Gabi na kaya kitang-kita ang mga bituin sa langit.

Tahimik lang silang dalawa.

"What time are you leaving tomorrow?" basag ni Maymay sa katahimikan.

"Early morning." sagot ni Dodong habang nakatitig sa dalaga.

Si Maymay naman ay hindi makatingin sa binata.

"Ihahatid ka ba ni Marco?"

"Oo."

"Dapat pala matulog ka na kung maaga kang aalis bukas."

"Ayoko pa! Gusto ko munang sulitin yung oras na kasama kita." at hinawakan nya ang baba ng dalaga para iharap ito sa kanya.

Hindi naman nakakibo ang dalaga.

Sobrang lakas ng tibok ng puso nya.

"Hoy puso ko kalma lang! Ayan ka na naman eh! Para kang hinahabol ng sampung kabayo kung makatakbo!" ang pagpapakalma nya sa sarili.

Napahawak pa sya sa dibdib nya.

"Ngayon pa lang namimiss na kita!" ang mahinang sabi ng binata sa kanya.

"Babalik ka naman di ba?" ang isip ni Maymay.

"I'll be back as soon as I can!" he assured her.

"Hala! Narinig nya ba yung naiisip ko? Pero mukhang hindi naman!"

"Will you miss me too?" tanong ng binata sa kanya.

"Oo naman!" sagot nya sa isip.

"Maybe." sagot nya sa binata.

Nadismaya man sya sa sagot ng dalaga ay hindi na lang nya pinansin iyon.

"Kailan nga pala yung birthday mo?"

"Sa next next month pa naman. Bakit?"

"Meron ka bang gustong regalo?"

"Ikaw!" ang naiisip nya.

"Wala naman! Basta kompleto ang mga mahal ko sa buhay okay na sa akin yun!"

"Kasama na ba ako doon?"

"Kasama saan? Sa birthday party ko? Oo naman imbitado ka rin!"

"I mean sa mga mahal mo sa buhay!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon