TH Chapter 41

11K 305 26
                                    

Bawat segundong lumilipas ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Maymay.

Parang may libo-libong kabayo na nagtatakbuhan sa dibdib nya.

Hindi sya makakilos sa kinauupuan sa hapag-kainan.

Nakatalikod kasi sya mula sa pinto papasok ng dining area nila kaya hindi nya agad makikita kung sino ang paparating.

Nasa magkabilang gilid naman nya si Juliana at ang tito Ricardo nya.

Bumalik na muli ang katulong at ang mga bisita.

"Maiwan ko na po kayo."

"Thank you Dina!" boses ni Marco.

Tumayo naman si Juliana at tito Ricardo nya para salubungin si Marco.

Kahit na gustuhing tumayo ni Maymay ay hindi nya magawa.

Tila nilagyan ng pandikit ang pwet nya na ayaw umangat sa kinauupuan nya.

"Good afternoon Tito Ric!" ang bati nito at nakipagkamay pa.

"Marco! Kumusta iho?"

"Okay lang po! By the way, may kasama nga po pala ako." at saka humarap kay Ricardo ang kanina pang nasa likuran ni Marco.

"Edward?!?" ang gulat na tanong ni Ricardo sa bisita.

"Edward? Sinong Edward?" ang tanong ni Maymay sa isip.

Medyo nabawasan ang kaba nya ng malamang hindi si Dodong ang kasama ni Marco.

Pero may lungkot din syang naramdaman.

"Magkakilala po kayo tito?"

"Oo naman!" at nakipagkamay na ito sa binata.

"How's your lolo iho?"

"Attorney Ric. My grandfather is still very much alive and kicking!"

"Teka, boses ni Dodong yun ah! Pero bakit nag-eenglish?" isip ni Maymay at bumalik na naman yung kabang nararamdaman nya.

"I'm sure he wants to kick your ass for still being single and with no heir for that matter!" at natawa pa ito sa kausap.

"He does!" at tumawa rin si Edward.

"By the way, have you met my daughter?" sabay turo nito kay Juliana at lumapit ang dalaga sa kanila.

"Mary Dale right?" ang sagot ni Edward sa abogado.

Napatayo si Maymay pagkarinig sa pangalan nya pero hindi pa rin nya magawang humarap sa mga bisita.

"How did he know me?"  naguguluhan na talaga sya.

"Not Mary Dale, her name is Juliana." ang pagtatama nito sa binata.

Inabot naman ni Juliana ang kamay kay Edward.

"Hi Edward! I'm Juliana! Juls for short!" ang pagpapakilala nito ulit sa binata.

"Hi Juliana! Edward." pagpapakilala rin nito ulit sa dalaga.

"And this is my niece, Mary Dale!" at ihinarap sya ng kanyang tito Ricardo sa bisita.

Gulat na gulat si Maymay sa nakitang itsura ng binata.

Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang maramdaman.

Kung nagulat man si Edward ay hindi nito ipinahalata.

"Good afternoon, Mary Dale! I'm Edward! Edward John Barber!" at iniabot nito ang kamay sa dalaga.

Tiningnan lang iyon ni Maymay at bumalik ang tingin nito sa mukha ng lalaking nagngangalang Edward John Barber.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon