TH Chapter 91

7.9K 232 10
                                    

Upon hearing him call her Yamyam, her tears started to fall without her realizing it.

Nataranta naman tuloy ang binata.

Niyakap nya ang dalaga at hinaplos-haplos ang buhok nito.

"Shhh...don't cry. Please don't cry!" parang pinupunit ang puso nya sa pag-iyak ng dalaga.

"Dodong..." tawag sa kanya ng dalaga sa gitna ng pag-iyak nito.

"It's okay Yamyam, I'm here now! And I promise from now on that I will always be!"

Sa sinabi nya ay mas lalong lumakas ang paghikbi ng dalaga.

"Dodong, I'm sorry!"

"Why are you saying sorry?"

"I'm sorry because I forgot you!"

"Shhh... hindi ka dapat humingi ng tawad sa akin Yamyam! I should be the one saying sorry for not coming back!"

Pilit na pinigilan ng dalaga ang pag-iyak nya.

"Para sa akin hindi na importante yung pangako mo sa tatlong taong gulang na Yamyam. Hindi ko naman na maalala yun. Ang mahalaga sa akin yung nandito ka na ngayon!"

Naantig naman ang puso nya sa sinabi ng dalaga.

"Kahit na hindi na ako maalala nito (sabay turo sa ulo ng dalaga), ramdam kong dito (tinuro nya ang puso ng dalaga)...gusto kong paniwalaan na naaalala ako ng puso mo! Katulad ng pag-alala ng puso ko sa'yo!" at itinuro nya rin ang puso nya.

"This heart that remembers you wants to fulfill the promise that it once made to you!"

"Salamat Dodong! Pero hindi mo na kailangang gawin yon! Gusto kong malaman kung matatanggap mo ba ang Yamyam ngayon?"

"Why wouldn't I?" hinawakan nya ang magkabilang pisngi ng dalaga at tinitigan ito sa mata.

"Yung Yamyam na nasa harap ko ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon! At alam kong ang Yamyam na nasa harap ko rin ngayon ang magiging dahilan pa ng kasiyahan ko sa mga darating na araw!"

Pinunasan nya ang luha ng dalaga.

"Hindi ka na ulit iiyak tuwing Pasko at Bagong Taon dahil nandito na ako ngayon!"

At ginawaran nya ng masuyong halik sa noo ang dalaga.

"I promise to kiss all your tears away!"
at hinalikan nya ang bawat isang matang nakapikit ng dalaga.

Hahalikan na sana nya sa labi ang dalaga ng marinig nilang may kumakatok.

"Maymay!" si Juliana.

"Bro!" si Marco.

Edward groaned in frustration.

Nagmulat ng mata si Maymay at napangiti sya sa reaksyon ng binata.

"Buksan mo na yung pinto, magbibihis lang ako!" and she gave Edward a quick kiss on the lips.

Nagulat naman si Edward sa ginawa ng dalaga at napangiti na rin sya.

"Bro!" si Marco ulit.

"Mary Dale!" si Juliana na halata ang pag-aalala sa boses.

Pinagbuksan na sila ni Edward ng pinto.

Dire-diretso sa loob ang dalawa.

Nakita nilang wala sa kama ang dalaga.

"Okay na ba si Maymay?" tanong ni Marco.

"Okay na sya! Nagbibihis lang!"

Pinaningkitan sya ng mata ni Marco.

"Bakit nagbibihis sya? Siguro may ginawa kang kamanyakan kay Maymay noh!"

"Sira-ulo! Nagbihis sya dahil nakapantulog lang sya kanina!"

"And besides ako kaya ang minanyak nya kagabi!" nangingiting pag-alala ni Edward sa isip.

"Hindi daw! Eh bakit ganyan ka makangiti?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon