TH Chapter 84

7.7K 238 22
                                    

Lumapit si Ricardo sa kanila.

"Ano 'to Dad? This is real life we're talking about and not some freaking drama series!"

Naguguluhan din talaga si Juliana.

Kaya ba ganun na lang ang pag-aalaga ng dad nya kay Mary Dale?

Aaminin nyang noong una ay pinagseselosan nya ang pag-aalagang pinapakita ng ama sa pinsan nya noon pero dahil napakabait ni Maymay sa kanya ay nawala rin iyon.

Eto ba ang dahilan kung bakit?

Dahil may nawawalang ala-ala ang pinsan nya?

"Watch your language Juliana!" saway nito sa anak.

"Sit down!" umupo naman ang anak.

Umupo si Ricardo at hinarap si Maymay.

Ipinagpatuloy nito ang kwento.

"Nang magising ka ay parang walang anumang naganap. Naging mas masayahin ka pa nga pagkatapos noon. Pinatingnan ka nila sa mga eksperto pero walang nangyari. Ngunit merong mga pagbabago sa iyo. Nag-umpisa kang manamit ng panlalaki. Elementary ka ng magsabi ka sa iyong lolo na gusto mong mag-aral ng martial arts. Dahil ayaw ng magulang at lolo mo na isipin mong may kakaiba sa iyo ay pumayag sila. Gusto nilang mamuhay ka pa rin ng normal. Nang mamatay ang tatay mo sa aksidente at sumunod ang iyong ina sa sakit ay nag-aral ka ng pamamaril. Kahit na nag-aalala ay hinayaan ka rin ng lolo mo. Gusto rin nyang maprotektahan mo ang sarili mo sa mga mapagsamantala kaya pumayag sya. Nararamdaman nya na ang panghihina ng katawan nya kaya inihabilin nyang alagaan ka naming mabuti. Alam ni Marco, Donato at Rivero ang sitwasyon mo."

Kaya ba ganun na lang ang pag-aalaga nila sa dalaga? tanong ni Juliana sa isip.

"Kahit na labag sa kalooban nya ay hinayaan ka nyang mag-aral sa Amerika. Bago sya mamatay ay pinagawa nya ang huling testamento nya. Hindi nya alam kung babalik pa ba ang memorya mo kaya gusto nyang makasigurado na may makakasama ka sa buhay."

"Pero bakit sinabi nyang mawawala ang mansyon at maisan sa akin kung sakaling hindi ako mag-asawa bago ako sumapit ng dalawampu't-apat na taon? naguguluhan na tanong ni Maymay.

"Masyado ka ng naging independent at mukhang wala ka ng balak mag-asawa kaya naisip nya na yun na lang ang paraan para mapilit ka!"

"I just wanted someone to love me like my father did to my mother!" nakatungong sabi ni Maymay.

"Yun ba talaga ang dahilan o hanggang ngayon ay umaasa kang babalik si Dodong?"

"Akala ko ba hindi nya maalala si Edward pero bakit sa tingin mo hinihintay nya si Edward?" takang tanong ni Juliana.

"Sabi ng doktor, ang mga pagbabago kay Mary Dale ay may kinalaman sa nawawala nyang ala-ala."

"What do you mean Dad?"

Hindi makuhang magtanong ni Maymay dahil gulung-gulo pa rin ang isip nya.

"Yung pagdadamit ng panlalaki, yung pag-aaral nya ng martial arts at pamamaril at yung pag-iyak nya tuwing Pasko at Bagong Taon.... lahat ng iyon ay may kinalaman sa nangyari!"

Napanga-nga si Juliana.

"Sabi ng doktor, baka sa kagustuhan na maprotektahan ni Maymay si Edward kaya sya nag-aral ng mga ganon. At kaya sya umiiyak tuwing Pasko at Bagong Taon ay dahil may bahagi sa kanya na naalaala ang pangako nitong babalikan sya!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon