TH Chapter 27

13.7K 336 15
                                    

"Damn it, Edward! Focus on the road!" nakailang pagalit na si Edward sa isip nya.
Hindi nya kasi mapigilan ang sarili na pasimpleng sulyapan ang babaeng katabi nya. Ang babaeng simula ng makita nya ay madalas ng laman ng isip at panaginip nya.
"Who am I kidding? Panaginip? Eh kahapon mo lang sya nakilala!"
Napailing si Edward sa naisip nya.
Pasimple na naman syang tumingin sa dalaga. Napansin nyang nakapikit ito. Hindi nya alam kung maiinis ba sya dahil tinulugan sya nito o matutuwa dahil malaya na nyang mapagmamasdan ito.
Mas lalo itong gumanda sa ayos nito. She has make-up on, simple not too much.
Mas lalong naemphasize ang magandang mata at kaakit-akit na labi nito. Ang suot na bestida nito ay simple rin na mas lalong nagpaangat sa balingkinitan nitong katawan. Medyo nagulat pa nga sya na nakaputi rin ito. Para tuloy silang couple dahil nakaputi rin sya.
"Couple? Ano ba 'tong naiisip ko!" Hindi naman nya mapigilan ang sarili na mapangiti sa naisip.

Samantala, si Maymay naman ay hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Nararamdaman nya kasing sumusulyap-sulyap sa kanya si Dodong. Baka hindi nya mapigilan ang sarili na sumulyap dito kaya ipinikit na lang nya ang kanyang mga mata at nagkunwaring nakatulog sya. Humilig pa sya sa may pinto ng sasakyan para dumistansya sa binata. Pakiramdam niya kasi ay nakukuryente sya sa tuwing magkakalapit sila.
Ang tahimik sa sasakyan. Walang nagsasalita kaya itinuloy nya ang pagkukunwaring tulog sya. Pero kahit na ganun ay ramdam pa rin nya na may nakatingin sa kanya.
Para tuloy may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan nya.
"Oh God Mary Dale stop acting like a school girl who just had her first crush!"
Saan ba kasi sila pupunta at parang napakatagal ng byahe nila. Ayaw naman nyang lingunin si Marco para tanungin dahil sigurado mahahagip ng paningin nya ang napakagwapong si Dodong.
"Napakagwapo?!?" My God malala ka na Mary Dale! Okay fine, napakagwapo naman talaga nya! Kaya nga mas lalo syang naghihinala na hindi talaga ito basta driver lang.
Pero naramdaman nyang magaspang ang kamay nito nung nagkahawakan sila, parang sa ama nya rin. Palatandaan na marunong ito sa mabigat na trabaho. Malamang Mary Dale kasi nga driver sya.
"Ah basta! I'm still not convinced that he's a simple driver!" There is definitely more to him than meets the eye.
Bakit ba kasi parang walang gustong magsalita? Nahihirapan na syang magpanggap na tulog.

Si Marco at Juliana naman ay abala sa pagtetext.
Katext nila ang isa't isa.
Pasimple nilang inoobserbahan si Edward at Maymay.
Pigil na pigil silang matawa sa ikinikilos ng dalawa.
Nag-uusap na rin sila ng plano kung paano nila mapagsosolo ang dalawa mamaya sa pupuntahan nila.
M - Sinabi mo ba kay Dale na sa Tagaytay tayo?
J - Nope! And I also haven't told her to bring a jacket. Ikaw? Sinabi mo ba kay Dodong?
M - Yup! And I told him to wear a jacket! 😉
J - 👍
M - 👊

Huminto ang kotse.
"We're here!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon