TH Chapter 57

9.1K 276 24
                                    

"Kain na tayo! Gutom na ako!"

Si Rivero na pumagitna sa kanilang dalawa at umakbay pa.

Napailing na lang si Maymay.

Si Dodong naman ay hindi maipinta ang mukha sa sobrang inis.

Tumapat na sila sa mahabang lamesa na may pagkain.

Napagitnaan ni Dodong at Rivero si Maymay.

Si Marco at Juls ay sa tapat nila.

"Kainan na!" sigaw ni Mang Antonio.

"May, eto tikman mo!" si Rivero.

"My May, here eat this!" si Dodong na hinawi ang kamay ni Rivero.

Sinamaan nya ng tingin ang binata.

Ngumisi naman sa kanya si Rivero.

"Salamat Dodong!"

Si Maymay na napansin ang salubong na kilay ng binata.

Nginitian nya ito.

Napangiti na rin ang binata.

Nang yumuko si Maymay para kumuha ng pagkain ay inismiran ni Dodong si Rivero.

Napailing lang si Rivero at kumain na rin.

"Seloso!" ang bulong nito.

Narinig sya ni Maymay kaya pasimple nyang tinapakan ang paa nito.

"Aray!"

"Anong nangyari sayo bro?" si Marco na kanina pa inoobserbahan ang tatlo.

Tumingin si Maymay at Dodong kay Rivero.

"Ah wala! Parang may langgam!"

Nagpatuloy na sila sa pagkain.

Panay pa rin ang abot ni Dodong ng pagkain kay Maymay.

"Ang daming langgam!" sabi na naman ni Rivero.

Sinubuan sya ng saging ni Maymay.

"Manahimik ka na nga dyan!"

Pinandilatan nya muli si Rivero.

Nainis naman si Dodong sa ginawa ni Maymay.

"Ayoko na!"

Napalingon naman si Maymay sa kanya.

"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nya sa binata.

"OO! Hindi ko na nagugustuhan yung inaasta ng lalaking yan sayo!" ang sigaw nya sa isip.

"Sorry! Hindi ata kasundo ng tyan ko yung pagkain." sabay hawak pa sa tyan nya.

"Ganun ba? Gusto mo ipaluto kita ng iba kay Nanay?"

"Tsk tsk tsk! Anak mayaman!" ang bulong ni Rivero.

"May sinasabi ka ba bro?" nagpipigil na tanong ni Edward.

"Wala naman bro!"

"Kanina pa 'tong Rivero na ito!" she mentally rolled her eyes.

Hinarap nya si Dodong.

"Gusto mo bang magpahinga muna dun sa kubo?" at ngumiti sya ng bahagya sa binata.

Natunaw naman ang inis ni Dodong sa ngiti ng dalaga sa kanya.

Ngumiti na rin sya dito.

"Pero hindi ka pa tapos kumain."

"Magdadala na lang ako ng pagkain."

"Okay!"

Pagkatalikod ni Maymay para kumuha ng pagkain nya ay tiningnan muli ni Dodong si Rivero.

Tingin na nagsasabing "Ano ka ngayon!!!"

Napailing na lang si Rivero sa kanya.

Nang matapos kumuha ng pagkain si Maymay ay nagpaalam na muna sya sa mga kasama.

"Dun na muna kami ni Edward para makapagpahinga sya saglit."

"Sige!"

Pagkalayo ng dalawa ay binato ni Marco ng saging si Rivero.

"Sira ulo ka bro! Seloso pa naman yun!"

Tatawa-tawa si Rivero.

"Sarap nya asarin eh! Nagiging angry bird na pula! As in pulang-pula!"

"Yari ka kay Maymay! Inaasar mo yung Dodong maylabs nya!"

At tumawa na silang tatlo.

Ang totoo naitanong na nya sa dalawa kung ano ni Maymay si Edward habang magkakasabay silang tatlong naglalakad.

At dahil maloko si Rivero ay naisip nyang asarin si Edward.

Parang nakababatang kapatid nya kasi si Maymay at paborito nya itong asarin.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon