TH Chapter 99

7.8K 210 32
                                    

"So hindi pala ako nananaginip na hinalikan mo ako!" seryosong sabi ni Maymay.

"You mean you dreamt of me kissing you?" nangingiting tanong ni Edward sa dalaga.

Hindi nagsalita si Maymay.

"Ibig mong sabihin you were fantasizing about me kissing you..." at unti-unting nilalapit nya ang mukha sa dalaga.

"Pinagpapantasyahan mo siguro yung labi ko Miss Mary Dale Entrata...." sabay nguso pa sa dalaga.

Gahibla na lang ang pagitan ng labi nila.

"And what if I am?" lakas-loob na tanong nya sa binata.

"Because if you are, I will gladly surrender my lips to you!" sabay hahalik na naman sya sa dalaga.

Pero palad nito ang nahalikan nya.

Mabilis na naiharang ng dalaga ang kamay nya.

"Nakakarami ka na Mister Edward John Barber! Baka mamaya may magising na naman na natutulog ikaw din ang mahihirapan!" pang-aasar ni Maymay sa kanya.

Hinalikan pa rin ni Edward ang palad ni Maymay na nakaharang sa labi nito.

"Pananagutan mo naman siguro ako pag may nangyari di ba Yamyam?"

"Sira! Tama na nga ang kalandian! Pahiram na nga ng t-shirt mo para makabalik na ako sa kwarto ko!" akmang tatayo na sya ng hilahin sya ni Edward kaya napakandong sya dito.

"Dito ka na lang matulog! Natatakot ako sa higad na yun baka bumalik para gapangin ako!"

"Natatakot ka kaya ako naman ang gusto mong gapangin ganun ba?" pang-aasar nya sa binata.

"Only if you want to!" pilyong sagot ni Edward sa kanya.

"Maglock ka na lang ng pinto para hindi ka mapasok!"

"Naku! I'm sure kahit nakalock pa ang pinto ko makakagawa pa rin ng paraan yun para pasukin ako! Kaya sige na dito ka na lang matulog! Promise wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan!" lakas-loob na sabi nya kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan syang mabalibag ng dalaga.

Tinitigan syang mabuti ng dalaga.

Edward tried to put on his most innocent face.

"Please?"

"Sige! Alam mo naman ang kaya kong gawin sa'yo di ba?" seryoso ang mukha ng dalaga.

Napalunok si Edward.

Parang gusto na tuloy nyang bawiin yung sinabi nya.

"Oo naman!" isinabay nya sa pagtayo nya ang dalaga.

"I'll get you a pajama para makapagpalit ka na!"

Napangiti na lang si Maymay sa sarili.

She doesn't know what made her say yes to staying in Edward's room.

"Wag kang mag-alala! Approved naman ni Lolo Edison ang relationship nyo eh!" bulong ng isip nya.

"Kahit na nakakahiya pa rin dahil hindi pa kami kasal!" suway rin ng isip nya.

"You don't have plans of harassing him?" isip nya pa rin.

"No!" tanggi nya.

"Ayaw mo nito?" tanong ni Edward sa kanya.

Nasa harapan na pala nya ito.

Napatingin sya sa hawak ng binata na pajama.

Suot nito yung pambabang bahagi habang nakawhite sando ito.

Iniabot nito sa kanya ang pantaas na bahagi ng pajamang suot.

"I mean, no it's okay! Okay na sa akin yan! May spare boxer shorts ka ba na pwede kong gamitin?" nahihiyang tanong nya.

"You mean this?"

Hindi nya alam kung matatawa sya dahil may design pang Storm Troopers yung iniabot ng binata.

"Thank you!"

"That's the comfort room!" sabay turo nito sa isang pinto.

"Meron na ring spare toothbrush dun!"

"Now why do I feel like pinaghandaan mo ito?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon