TH Chapter 45

11.6K 288 8
                                    

Natawa si Marco sa reaksyon ni Maymay.

Natuwa naman si Juliana sa sinabi ni Edward.

Si Maymay naman ay hindi maintindihan kung anong dapat nyang maramdaman sa sinabi ni Edward.

"If this is your idea of a joke Mr. Edward Barber, then I'm telling you now that I don't find it funny!"

"Oh believe me, Ms. Mary Dale Entrata, I am very serious about this!"

Tumayo si Maymay sa sobrang frustration nya sa sinasabi ni Edward.

"Stop this nonsense Mr. Barber! Hindi mo pa nga ako kilala tapos manliligaw ka?" she said incredulously.

"Isn't that the whole purpose of courtship? So we can get to know each other better?"

Sumang-ayon si Juliana sa binata.

"He has a point May!"

Pinandilatan ni Maymay si Juliana.

Tumingin sya ulit kay Edward.

"Baka nakakalimutan mong hindi ka pa nagpapaliwanag kung bakit ka nagpanggap na driver ni Marco!"

"At hindi ka pa rin nagpapaliwanag kung bakit ka nagpanggap na yaya ni Juliana/Mary Dale!"

Napaupo si Maymay sa sinabi ng binata.

Naupo na rin muli si Edward.

"Can you talk about this later Maymay and Edward? Nagtatalo kayo sa harap ng pagkain." singit ni Marco para pakalmahin ang dalawa.

"Pareho kayong nagpanggap! Pareho kayong nagkamali! Kaya hindi ba pwedeng pareho nyong pakinggan ang paliwanag ng isa't-isa?"

Nahiya naman pareho si Maymay at Edward sa sinabi ni Marco.

Napatingin naman si Juliana sa binata.

Hinawakan nito si Marco sa noo.

"Are you sick?"

Natawa naman si Maymay at Edward sa sinabi nito.

"Grabe ka sa akin babe! Hindi ba pwedeng magsalita paminsan-minsan ng may sense?" at natawa na rin silang dalawa ni Juliana.

Nagpatuloy sila sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay inihatid na muna ni Nanay Remedios si Edward at Marco sa kani-kanilang mga kwarto.

Si Juliana ay nagpaalam na sasaglit muna sa kanila para makita ang ina.

Sa kagustuhan ni Maymay na umiwas kay Edward ay nagpasya syang magpunta sa maisan.

Meron silang maliit na kubo doon na pinagpapahingahan nilang pamilya.

Madalas sya doon kapag gusto nyang makapag-isip-isip.

Madalas din sya doon kapag namimiss nya ang mga magulang nya.

Nakatanaw sya sa may bintana ng kubo.

Masarap ang simoy ng hangin at ang ang sarap pagmasdan ng kulay berdeng paligid at kulay asul na langit.

"Ano ng gagawin mo Maymay?"

Naguguluhan talaga sya sa nararamdaman nya kay Dodong.

"Correction Mary Dale! Edward not Dodong!"

"Hay...." napabuntung-hininga na lang sya.

Umupo sya sa maliit na papag na naruon.

Nakita nya ang larawan ng mga magulang sa may maliit na side table.

Hindi nakatingin sa camera ang magulang nya bagkus nakatitig sila sa isa't-isa.

Ramdam mo ang pagmamahalan nila sa larawan na iyon.

Ganun ang klase ng pagmamahalan na gustong maranasan ni Maymay.

Inilapag nya ang picture frame at dinampot ang isa pa.

Sa larawan naman na iyon ay nakangiti ang ina nya habang nakatingin sa kumuha ng picture.

Habang ang ama nya ay nakatitig sa kanyang ina.

Sino kaya ang titingin sa kanya ng ganun?

Yun bang parang ikaw lang ang nakikita nya.

Yung titig ng pag-ibig na tinatawag nila.

Nakaramdam ng antok si Maymay kaya naman humiga sya sa may papag at pumikit saglit.

Pagpikit nya ay nakita nya sa isip si Edward.

Posible kaya na tingnan din sya ng ganun ng binata?

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon