TH Chapter 43

12K 321 12
                                    

Ring Ring Ring

Tumunog ang cellphone ni Ricardo.

Sinilip nya kung sino ang tumatawag.

"Excuse me guys, I have to take this call."

At lumayo pa ito sa dining area para sagutin ang kung sino mang tumawag.

Nahinto tuloy sa sasabihin si Edward.

Hindi na muna nya itinuloy ang pagpapaliwanag.

Tahimik lang ang apat na naiwan na sina Juliana, Marco, Maymay at Edward.

Pumasok naman ng dining area si Nanay Remedios.

Nakita nito si Marco.

"Marco, anak! Nandito ka pala! Kelan ka pa dumating?"

"Nanay Remedios!" lumapit naman dito si Marco at yumakap.

"Namiss kita Nay!"

"Ikaw kasi ngayon ka lang ulit dumalaw dito!"

"Naging abala kasi ako sa negosyo ng pamilya!"

"Talaga bang sa negosyo o sa mga babae mo?"

"Sige nga Nay sermonan mo yang babaero na yan!" ang susog ni Juliana.

"Selos ka na naman babe!" at yumakap pa ito sa bewang ng dalaga.

"Babe! Tigilan mo nga ako Marco Antonio Gallo! Isusumbong kita kay dad!" at nagpumiglas na ito sa yakap ng binata.

Natatawa na lang sa kanilang dalawa si Remedios.

Habang si Maymay at Edward naman ay nananatiling tahimik at nakatayo lang.

Napansin ni Remedios ang isa pang binata.

"Anak, may bisita ka pala hindi mo man lang yayain sa hapag-kainan!"

Tumingin lang si Maymay kay Nanay Remedios.

"Magandang hapon po!" ang bati nito kay Remedios.

"Nay, si Edward nga po pala ang best friend ko!" pakilala ni Marco.

"Edward, si Nanay Remedios ang tagapag-alaga ni Mary Dale!"

Lumapit si Juliana kay Nay Remedios at bumulong.

"Sya si Dodong, Nay!" sabay kindat pa dito.

"Yung crush ni Maymay?" ang bulong din nito.

Tumango si Juliana.

"Bakit hindi nyo pa ituloy ang pagkain, Maymay at Juls? Sumabay na rin kayo Marco at Edward. Sandali at magpapakuha ako ng plato at kubyertos."

"Salamat Nay! Gutom na nga rin ako!"

"Edward, umupo ka na rin!" ang anyaya ni Juls dito.

"Thanks!"

At nagsiupo na sila pati si Maymay.

Bumalik na rin si Atty Ricardo.

"I'm sorry Marco and Edward! Tsaka na tayo magkumustahan dahil may kailangan akong asikasuhin. Aalis na ako!"

"It's okay Atty Ric! We'll be staying here for a while kaya marami pa tayong chance na magkwentuhan!"

"Ibig sabihin matatagalan pa bago sya umalis dito?" ang tanong ni Maymay sa isip.

"Anyway, you can both stay here! Si Marco sanay na yan dito!"

Napatingin naman bigla si Maymay sa sinabi ng tito nya.

Gusto nya sanang magprotesta.

Bumalik na ulit si Nanay Remedios dala ang mga plato at kubyertos para kay Marco at Edward.

"Tama ka dyan Attorney!" ang pagsang-ayon pa nito.

Tumingin ito kay Edward.

"Maraming bakanteng kwarto dito kaya pwedeng pwede kayo magstay ni Marco dito!"

"OMG! Tamang tama because I'll be staying here for a week! Makakapagbonding tayong apat!"

"I'm fine with it if it's okay with Mary Dale." sabay tingin nito sa dalaga.

Bumuka ang bibig ni Maymay para sana magprotesta pero naunahan sya ni Atty Ricardo.

"Sigurado ako na hindi matutuwa ang lolo ni Maymay kung patutuluyin sa kung saan-saan ang apo ng matalik nyang kaibigan!" sabay tingin nito kay Maymay ng makahulugan.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Maymay sa sinabi ng tito nya.

"Talaga dad? Magbest friend din si lolo Joe at ang lolo ni Edward?"

"Ibig mong sabihin Ricardo ay apo ni Edison si Edward?"

"Tama ka dyan Nay Remedios, si Edward ang kaisa-isang apo ni Edison Barber, ang matalik na kaibigan ni Jose Entrata!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon