TH Chapter 75

7.8K 226 38
                                    

"Si Dodong yan!" ang sagot ni Nanay Remedios.

"OMG! Kapangalan pa ni Dodong maylabs mo yung childhood sweetheart mo Dale!" panunukso pa ni Juliana sa pinsan.

Umiling si Nanay Remedios.

"Hindi kapangalan Juliana! Ang batang yan at si Edward ay iisa!"

Parehong gulat na gulat ang magpinsan.

"But...." si Juliana na napanga-nga sa sinabi ni Nanay Remedios.

"Paano nangyari yun Nay?" si Maymay na nagulat sa rebelasyon ng Nanay Remedios nya.

Sasagot na sana si Nanay Remedios ng maalala nya ang niluluto nya.

"Naku ang niluluto ko!" at tumalikod na ito para asikasuhin ang niluluto.

"Grabe! Pasuspense ka Nay ha!" ang biro ni Juliana para mabawasan ang tensyon na nararamdaman.

Iginiya nya papuntang dining area si Maymay para umupo.

"Why don't we sit down first while we wait for Nay Remedios?"

Umupo rin naman si Maymay.

Bumaling sya sa pinsan.

"Do you think your dad knows about this?"

"If he did, why didn't he tell us when Edward came here?"

Balik na tanong ni Juliana sa kanya.

Natahimik na naman si Maymay.

"Hindi ka ba masaya na si Dodong maylabs mo pala ang childhood sweetheart mo?"

Nanatiling tahimik si Maymay kaya nagpatuloy si Juliana.

"Sinong mag-aakala na sya ang first kiss mo at sya rin ang first boyfriend mo! MTB talaga kayo!"

"Anong MTB?"

"Gahd Mary Dale wala ka talagang alam sa ibang bagay! Palibhasa puro libro at mais ang nasa isip mo! MTB means meant to be!"

Napangiti naman si Maymay sa sinabi ng pinsan.

Hindi kasi sya mahilig sa internet kaya wala syang alam sa mga ganun.

"Imagine, after all these years, nagkita ulit kayo! Kaya siguro ganun na lang kabilis nahulog ang loob mo sa kanya dahil ang totoo matagal na kayong magkakilala!" kinikilig pa na sabi ni Juliana.

"Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi ko sya maalala!"

"Naman, Mary Dale! Sobrang bata nyo pa noon kaya hindi imposibleng makalimutan mo na yun!"

"Sya rin siguro nakalimutan nya rin ako!" si Edward ang tinutukoy nya.

Sya namang labas ni Nanay Remedios ng kusina.

"Tama ka! Nakalimutan ka nga rin ni Dodong!"

Napatingin naman ang dalawa sa kanya.

"Masyado pa kayong mga bata noong nagkakilala kayo kaya hindi na nakapagtataka yon!"

"Pwede bang ikwento mo sa amin kung paano sila nagkakilala ni Dodong, Nay Remedios?"

Umupo rin si Nanay Remedios.

"Panahon na siguro para malaman mo ang nakaraan ninyo."

Pigil ang hininga na hinintay ni Maymay ang kwento ni Nanay Remedios.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon