TH Chapter 98

7.4K 229 25
                                    

"Buti na lang talaga wala akong tiwala sa higad na yon!"

Natawa naman si Edward sa sinabi nyang higad.

"You two seem to have history together. Kwento mo naman kung paano kayo nagkakilala." at iginiya nya si Maymay sa couch sa paanan ng kama nya.

"She did the same trick to my friend back in Uni!"

Naalala ni Edward na nag-aral din nga pala sa Amerika si Savannah.

Hindi nya akalain na nagkakilala ang dalawa doon.

"She seduced my friend's boyfriend! My friend unfortunately believed her lies and broke up with him! But later on, we learned that nothing happened between them! It was all Savannah's plan to break them up because she was envious of my friend!"

Nagugulat naman si Edward sa sinasabi ni Maymay.

Hindi nya akalain na magagawa ni Savannah yon kung hindi lang ginawa sa kanya kanina.

"I'm sorry for what she did! I swear nothing happened between us!" at itinaas nya pa ang kanang kamay nya na tila nanunumpa.

"Alam ko naman na walang nangyari kasi sinundan kita agad pagkalabas mo ng kwarto! Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may hindi magandang gagawin yung babaeng yun! At hindi nga ako nagkamali!"

Niyakap naman sya ng mahigpit ng binata.

"And I'm glad that you followed me! Muntik na akong maharass ng babaeng yon!" at kinilabutan pa sya.

Natawa naman si Maymay sa sinabi nya.

Tinitigan sya ni Edward sa mga mata.

Hinawakan nito ang baba nya.

"Ikaw lang ang gusto kong mangharass sa akin!" at ngumiti ito ng pilyo sa kanya.

"Ikaw lang at wala ng iba!" sabay halik sa labi ng dalaga.

Habol ang hiningang kumalas si Maymay sa halik ng binata.

"Dodong...tama na...baka kung saan pa 'to mapunta!"

Natauhan naman si Edward sa sinabi ng dalaga.

"Yamyam, I'm sorry!"

Hinaplos ni Maymay ang pisngi ng binata.

"Hindi ka dapat magsorry Dodong! Ginusto ko rin naman yung halik mo!" nakangiti nyang pag-amin sa binata.

"Kaya lang nahihiya ako dahil nandito tayo sa bahay ng lolo mo!"

Napangiti si Edward sa sinabi ng dalaga.

May bigla syang naalala.

"Ahm, Yamyam..." alangan nyang umpisa.

"Bakit Dodong?"

Napahawak sya sa batok nya.

"I have a confession to make!"

"Ano yon? Don't tell me may nangyari sa inyo ni Savannah? Ang bilis naman ng higad na yon!"

"That's not it!"

"Eh ano nga?"

"Remember that time I followed you sa kubo?"

"Yung time na inamin mo yung pagpapanggap mo?

"Yes..."

"Ano pang dapat mong aminin sa akin?" naguguluhan na tanong ni Maymay.

"I kissed you while you were sleeping!"

"What?!?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon