TH Chapter 55

9.9K 297 14
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising si Maymay.

Importanteng araw ito para sa mga pamilya sa maisan.

Pagpapasalamat sa masaganang ani.

Nagbihis lang sya ng simpleng blusa at pantalon.

Dinaanan nya si Juls sa kwarto nito pagkatapos ng morning rituals nya.

Kumatok sya sa kwarto nito.

Himala naman na maaga rin itong nagising at nakapaghanda na.

Simple rin lang ang suot nito ngayon.

Napangiti sya dito.

"What?!?"

"Naninibago lang ako."

Juls rolled her eyes at her.

"Ayoko lang na pagtinginan na naman ako ng mga tao doon. Baka isipin nila napakaarte ko talaga!"

"Sila ba talaga ang inaalala mo o si Marco?"

"Pwede both?" at tumawa na lang sila pareho.

"Tara na nga!" at magkaangkla sila na lumabas ng kwarto ni Juls.

Nakasalubong naman nila si Edward at Marco.

"Good morning beautiful ladies!" si Marco na agad namang lumapit kay Juls.

"Shall we?" sabay lahad ng kamay nito sa dalaga.

Kumalas naman si Juls sa pagkakaangkla kay Maymay at iniabot ang kamay nya kay Marco.

"Ah ganon! Iiwan mo na agad ako nakita mo lang ang babe mo!" ang kunwari'y tampo nito sa pinsan.

Nginitian lang sya ni Juls.

"Don't worry! I know you won't be alone! Andyan rin naman si Dodong maylabs mo eh!"

Sabay turo kay Edward.

Isinuksok na ni Marco ang kamay ni Juls sa braso nya at iginiya sya para bumaba ng hagdan.

Ngumiti naman si Dodong kay Maymay ng lingunin nya ito.

"Ahm, good morning My May!"

"Damn! You look so gorgeous in the morning!" ang naisip nya.

"Good morning Dodong!"

"OMG! Napakagwapo naman nitong lalaking 'to!" ang naisip nya.

Napansin ng dalaga ang malalim na mata ng binata.

"Hindi ka ba nakatulog?"

"Ah kasi naninibago ang katawan ko sa ibang kama!"

Pagdadahilan nito sa dalaga.

"Ganun ba?"

Nag-umpisa na itong maglakad pababa ng hagdan.

"Akala ko pa naman hindi ka nakatulog sa kaiisip sa akin!" ang bulong nito sa sarili.

"May sinasabi ka ba?" ang tanong ng binata sa kanya.

The truth is he heard what she said.

"Tama ka! Hindi ako nakatulog dahil sa kaiisip sa'yo!" ang tugon ni Dodong sa isip.

"Wala! Ang sabi ko tara na! Baka iniwan na tayo nung dalawa!"

Sinabayan ni Dodong ang hakbang ng dalaga pababa ng hagdan.

Awtomatikong inalalayan nya ang dalaga.

Napapitlag si Maymay sa paghawak ng binata sa braso nya.

Para syang nakuryente sa hawak nito.

"Okay ka lang?"

"Ah, okay lang! Tara na!"

Pagkalabas ng mansyon ay nakita nilang nakasakay na ang dalawa sa kotse.

Pinagbuksan ni Dodong si Maymay ng pinto at pagkatapos ay sumakay na rin sya.

Pagka-upo nilang dalawa ay inistart na agad ni Marco ang sasakyan.

Tiningnan nya ang dalawa sa salamin.

"Ang tagal nyo naman! Akala namin ni Babe bukas pa kayo lalabas eh!"

Binatukan ni Maymay si Marco.

"Aray naman!"

Natawa naman si Dodong sa ginawa ng dalaga.

"Buti nga sa'yo!" ang pang-aasar ni Juls sa binata.

Natawa na rin si Maymay.

"Ang sama nyo sa akin!" at ngumuso pa ito.

"Gusto mo isa pa?" asar ni Maymay dito.

"Bro! Baka gusto mo naman akong ipagtanggol!"

Tiningnan sya ng masama ni Maymay na tila nagsasabing "Subukan mo!"

Nagtaas ng dalawang kamay si Dodong.

"Nope! You're on your own man!"

Napansin ni Marco ang ginawang pandidilat ni Maymay sa kaibigan.

Tumawa sya ng malakas.

"Grabe, bro! Ngayon pa lang under ka na?!?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon