TH Chapter 23

13.8K 346 15
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising si Edward.
Tinawagan nya si Marco. Nakailang ring pa bago sumagot ito.

"Hello?" halatang naistorbo ito sa pagtulog.

"Marco! Where are we going later?"

"What?"

"I said where are we going later?"

"What time is it bro?"

"5:30"

"5:30 pa lang ng umaga binubulabog mo na ako? Natulog ka ba?"

"Hindi!" ang sagot ni Edward sa isip.
"Natural natulog ako!" ang sagot nito kay Marco.

"Ang aga mo naman ata masyadong gumising? Excited?"

"Oo!" ang sagot na naman nito sa isip.
"Hindi noh! Bakit naman ako maeexcite?"

"Talaga lang ha!"

"Hindi talaga! Gusto ko lang malaman kung saan tayo pupunta para alam ko kung ano'ng isusuot ko!"

"Wow! Seryoso bro? Naisip mo pa yon? Para kang babaeng first time makikipagdate ah!"

"Syempre kailangan ibagay ko sa pagiging driver yung isusuot ko!"

"Well in that case you should just wear your usual shirt and jeans get-up! And bring a jacket!"

"Okay!"

"Pero hindi ka talaga excited makita si Maymay?" ang habol na pang-aasar ni Marco sa kanya.

"Shut up Marco!"

"Bye lover boy!"

Samantala sa mansyon ni lola Melba, maaga ring nagising si Maymay.

"Juls, wake up!"

"Huh?" ang pupungas-pungas pa na si Juls. Tumingin ito sa cellphone.
"It's still early May! I still want to sleep." at nagtalukbong pa ito ng kumot.

"Wake up Juliana! We have a lot of things to do today!" pilit nyang inalis ang kumot dito.

"Ugh! Someone's too excited for later!"

"I'm not!"

"Eh bakit ang aga mong nanggigising?"

"Hindi ka ba magpapaganda for your date later with Marco?"

"No need! But if you want to go to the salon I will go with you!"

"Bakit ako?"

"Wag ka ng mahiya Mary Dale, alam ko naman na gusto mong magpaganda para kay Dodong maylabs mo!" ang pang-aasar nito sa pinsan.

"Hindi kaya!" pero ramdam nya ang pag-init ng pisngi nya.

Napangiti na lang si Juliana.

"Tara na nga! Let's eat breakfast first and then prepare for our date! Kahit sobrang aga pa."

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon