TH Chapter 81

7.8K 240 16
                                    

"Don't be too excited lolo! I'll ask her about it first." at naiiling na natatawa pa si Edward.

Hindi nya talaga akalain na matutuwa ang lolo nya na si Mary Dale ang mapapangasawa nya.

"By the way, did you know that Ricardo asked me if I knew of any eligible bachelors that would make a match for Mary Dale?"

Napadiretso ng upo si Edward sa sinabi ng lolo nya.

Nagsalubong ang kilay nya ng hindi nya namamalayan.

"Apparently, her lolo, my best friend Joe wants her to marry someone before she turns twenty-four!"

Pasimple nyang inoobserbahan ang reaksyon ng binata sa sinabi nya.

Napaisip si Edward.

Eto na kaya yung totoong dahilan kung bakit nagpanggap si Mary Dale bilang yaya?

Dahil naghahanap rin sya ng mapapangasawa katulad ko?

Hindi nya tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon nya.

Pareho pala sila ng sitwasyon.

What are the odds that they were both looking for a potential partner in life?

"Did he tell you why her lolo did that?" sa wakas ay tanong nya.

"Not really! But I know for sure that he is worried about her welfare just like me to you!"

"So....did Atty Ric already find a suitable husband to be for Mary Dale?" alanganin na tanong nya sa lolo.

"Yes he did! And I must say that I approve of his choice!"

"What?!? Why are you just telling me this now, old man?!? What about me?"

"That was before you called me and told me that you wanted to marry her."

Hindi makapaniwala si Edward na mukhang mawawala pa si Mary Dale sa kanya.

"How was I to know that you were there courting her?"

Tumikhim muna sya bago nagsalita.

Hindi sya makakapayag na mapunta sa iba si Yamyam!

Kung kailangan nyang magmakaawa kay Atty Ric ay gagawin nya.

Ano bang kailangan para maging sya ang mapapangasawa ni Yamyam?

Siguro naman ay nakahihigit sya sa kung sino man iyon!

At isa pa ay kasintahan nya na ang dalaga!

Hindi naman siguro sya sasagutin nito kung may balak itong magpakasal sa iba!

Hindi naman siguro sya ginagamit ng dalaga para matupad ang ipinag-uutos ng lolo nya!

Ramdam naman nya sa halik nito na totoong mahal sya ng dalaga!

At napakagat labi pa sya ng maalala ang halik na pinagsaluhan nila.

Ah, basta!

Walang makakaagaw sa Yamyam nya!

Tama pala ang hinala nya ng marinig ang kasal na pag-uusapan ng abogado at ni Maymay!

Na posibleng katulad nya ay kailangan din itong maghanap ng mapapangasawa!

Kaya sinabi nya sa lolo nya na gawin ang lahat para sya ang mapangasawa ni Mary Dale!

Pero huli na ba ang lahat?

"So tell me, who is the guy that she will be marrying?!?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon