TH Chapter 64

8.9K 242 9
                                    

Makalipas ang ilang oras ay handa na sila para sa picnic.

Ngayon na lang ulit sila magkakasamang magkakaibigan kaya naman masaya si Maymay.

Tok Tok Tok

"Just a minute!"

Nagmadali na syang lumabas ng kwarto.

"Kanina ka pa ba?"

Hindi naman agad nakapagsalita si Dodong ng makita sya.

Napanganga pa ito.

"You look so beautiful!"

"Thank you!"

"But aren't you going to wear a jacket or anything else?"

Napasimangot pa ito.

"Why would I need a jacket?"

"For cover?"

Hinubad nito ang suot at ibinigay sa kanya.

"Here! Use this!"

Nangingiti naman si Maymay sa ginawa ng binata.

"Thanks but I don't think I need that!"

"No! I insist!" at isinuot pa ito sa kanya.

"The mosquitoes might feast on your arms!"

"Okay, if you say so!"

"And I don't want other guys ogling you! I might gouge their eyes out!" ang naiisip ng binata.

"Hindi pa ba kayo tapos dyan?" si Marco na ngingiti-ngiti.

"Let's go guys!" si Juliana.

At bumaba na sila.

Nakahanda na ang mga dadalhin nila kaya nakaalis na sila agad.

Saglit lang naman ay nakarating na rin sila agad sa lugar na pagpipiknikan nila.

Naroon na rin si Rivero at Donato.

"Hindi nyo naman sinabi na lovers' picnic pala ito eh di sana nagsama rin kami ng partners namin." si Donato na nag-umpisa na naman mang-asar.

"At sino naman balak mong isama, aber?" si Juliana na tinaasan ng kilay ang binata.

"Si Danielle na anak ni Mang Gilberto?" singit ni Rivero.

At nagtawanan sila Marco, Maymay, Juls at Rivero.

Napakunot noo naman si Dodong.

"Ang sasama nyo!" saway sa kanila ni Donato pero natatawa rin sya.

"Why are you guys laughing?" tanong ni Dodong kay Maymay.

"Eh kasi... Daniel sa umaga, Danielle sa gabi!" at pumilantik pa ang daliri ni Rivero na sumagot kay Dodong.

"Bakla yun bro!" paliwanag ni Marco sa kaibigan.

"Hoy, Marco! Ano'ng bakla? Babae yun!" si Donato.

"Babaeng bakla!" si Rivero na kulang na lang ay gumulong sa damo sa kakatawa.

"Stop it guys! Hindi na ako makahinga!" si Juliana na nagpipigil tumawa.

"Wag mong pigilan yan Juls! Sige ka baka mautot ka dyan!" si Donato.

"Don't worry babe! Kahit anong baho ng utot mo mamahalin pa rin kita!" at kumindat pa ito sa dalaga.

At nagtawanan na silang lahat.

"Kumain na nga kayo! Puro kayo kalokohan!" saway ni Maymay sa kanila.

Masaya ang kwentuhan nila habang kumakain.

Si Dodong naman ay kontento na sa pagtingin kay Maymay na masaya at panay ang tawa.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Maymay sa kanya.

Ngumiti naman si Edward sa dalaga.

"Ang saya nyong magkakaibigan noh?"

"Bakit ikaw wala ka bang ibang mga kaibigan bukod kay Marco?"

Nagkibit-balikat ang binata.

"Wala."

"Bakit naman?"

"Marami kasing mapagpanggap kaya si Marco lang ang kaibigan ko!"

"What do you mean?"

"They pretend to be my friend as long as I give them what they want."

Nalungkot naman si Maymay sa sinabi nito.

"Baka maling mga tao lang ang mga nakilala mo. Wag kang mag-alala! Welcome ka sa barkada namin!" at ngumiti sya sa binata.

Narinig naman ito nila Rivero at Donato.

"Yeah bro! Welcome sa barkada!" si Donato.

"Basta wag mo lang papaiyakin ang prinsesa namin dahil kung hindi masasaktan ka talaga!" si Rivero.

"No I won't! I promise that I will take care of her!"

"At kung pwede lang wag mo sya babastedin ha?" si Donato na inakbayan pa si Edward.

Natawa naman si Edward.

"Sira ulo ka talaga Donato!" at binatukan ni Maymay ito.

At nagtawanan na naman sila.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon