TH Chapter 56

8.9K 256 25
                                    

Pagdating sa maisan ay nanduon na ang mga pamilya ng mga tauhan nila Maymay.

Nagpamisa muna si Maymay bilang pasasalamat.

May nakahain rin na pagkain boodle style.

Pagkatapos ng misa ay nilapitan si Maymay ng katiwala nila.

"Maymay!"

May kasama itong lalaki na mukhang kaedaran lang ng dalaga.

"Mang Tonio! Salamat po sa pag-aasikaso sa maisan ha!"

"Ano ka ba naman Maymay! Trabaho ko yun bilang katiwala ng pamilya mo. Kaya hindi ka dapat sa akin nagpapasalamat!"

"Pero salamat pa rin po!"
"O sya maiwan ko na kayo! Pumuwesto na kayo ng makakain na tayo." at iniwan na sila nito.

"Sige po."

Lumapit ang binatang kasama ni Mang Antonio.

"Maymay!" at yumakap pa ito sa dalaga.

Nagulat naman si Maymay sa ginawa nito.

Si Dodong naman ay nagdidilim ang paningin.

Akmang hahawakan nya ang lalaki ng pigilan sya ni Marco.

"Hoy Rivero! Ibaba mo nga ako!" at nahawakan nya ang binata sa kamay at pinilipit ito!

"Aray! Aray! Suko na ako!" at tinaas nito ang isang kamay.

Napangisi naman si Dodong sa ginawa ng dalaga.

"Buti nga sayo!" ang sabi nya sa isip.

"Sino ba kasi itong kumag na ito?" tanong nya sa isip.

Binitawan na rin ito ni Maymay.

"Sa susunod na biglain mo ako hindi lang yan ang aabutin mo!"

"Grabe ka! Hanggang ngayon bayolente ka pa rin!" at hinimas nito ang kabilang kamay na pinilipit ng dalaga.

"Buti pa si Juls mukhang dalaga na! Eh ikaw mukhang binata na!"
ang pang-aasar pa rin nito.

"Hi Juls!" bati nito.

Ngumiti si Juliana dito.

"Ikaw na ba yan Marco? Binatang binata ka na ah!" at ginulo pa nito ang buhok ni Marco.

"Tsk! Kumusta?" si Marco na hinawi ang buhok.

"Eto gwapo pa rin!"

"Baka gago!" ang bulong ni Edward.

Siniko sya ni Marco.

"May sinasabi ka ba bro?"

"Wala naman!" at ngumisi ito sa binata.

Napansin naman ito ni Maymay kaya lumapit sya dito.

"Si Edward nga pala!" pakilala ni Maymay sa binata.

"Rivero, bro!" sabay abot ng kamay sa binata.

Inabot naman yun ni Edward.

"Edward."

Inakbayan ni Rivero si Maymay at kunwaring binulungan ang dalaga pero naririnig naman ng iba.

"Boyfriend mo? Bakit hindi mo ako hinintay?"

Siniko sya ni Maymay sa tagiliran kaya napaigtad sya.

"Shut up!"

"Aray kanina ka pa ha! Masama bang magtanong?" tatawa-tawa ito.

Habang si Edward ay nakakuyom na ang kamao sa inis sa lalaking kanina pa hawak ng hawak sa dalaga.

"Tara na nga! Kumain na tayo! Puro ka kalokohan!" ang sita nito sa binata.

Naglakad na sya at sinabayan naman sya ni Edward.

Nasa likuran nila ang tatlo.

Hindi nakatiis si Edward na magtanong.

"Ex-boyfriend mo?" pigil ang inis na tanong nito sa mahinang boses.

"Hindi!"

"Eh ano?"

"Ka..."

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon