TH Chapter 100

8.1K 215 21
                                    

Kinabukasan, kapansin-pansin ang pagkawala ni Markus at Savannah sa agahan.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi iha?"

"Okay naman po, lolo Edison! Masarap naman po ang tulog ko kahit medyo naninibago ako!" at ngumiti pa sya sa matanda.

"Eh ikaw Edward? Mukhang napuyat ka! Ang lalim ng mga mata mo!"

Napabuga naman ng kapeng iniinom si Edward.

Hinagod ni Maymay ang likod nya.

"Okay ka lang Dodong?"

"Masyadong mainit yung gabi este yung kape kaya napaso yung dila ko!"

"Hinay-hinay lang kasi! Ayan tuloy napaso ka!" alalang sabi ni Maymay sa kanya.

Naalala ni Edward yung nangyari kagabi sa kwarto nya.

Pagkapasok ni Maymay sa cr para magbihis ay inayos nya ang kama nya.

Balak nyang sa sahig na lang humiga para maging komportable ang dalaga.

Masyado naman kasing maiksi ang couch para sa mahaba nyang katawan kaya sa sahig na lang sya.

Kumuha sya ng comforter para ilatag sa gilid ng kama.

Naglalatag na sya ng lumabas si Maymay sa CR.

"Anong ginagawa mo?" tanong ng dalaga sa kanya.

Napatingin sya dito at nakita nya na naman ang mahahabang binti ng dalaga na nakapagpalunok sa kanya ng laway.

"Dito ako matutulog para komportable ka sa kama." iwas nyang tingin dito.

"Bakit pa? Malaki naman yung kama mo! Hindi ka naman siguro malikot matulog kaya pwede nating paghatian yung kama!"

Nagulat sya sa sinabi ng dalaga.

"Sigurado ka? Okay lang sa'yong tabi tayo?" hindi makapaniwala nyang tanong.

"Nakakahiya naman kung patutulugin kita sa sahig eh kwarto mo 'to! Besides kaya kong protektahan ang sarili ko kung sakaling may binabalak kang masama!"

"Promise I'll behave!"

"Siguraduhin mo lang Dodong! Hindi ako magdadalawang-isip na ibalibag ka!"

Napahawak si Edward sa balakang nya.

Naiimagine nya pa lang ay alam nya ng masakit iyon.

Nag-aalangan na tuloy sya kung tatabi pa sya sa dalaga o magtitiis na lang sya sa sahig.

Pumuwesto na sa kabilang parte ng kama si Maymay.

"Ano pang hinihintay mo Dodong?"

Dali-dali ng humiga si Edward sa kabilang parte ng kama.

Malaki ang kama ng binata kaya may malaking espasyo sa pagitan nila.

"O di ba pwede naman?" habang naglalagay ng mga unan sa pagitan nila ni Edward.

Napangiti si Edward sa ginagawa ng dalaga.

Pagkatapos ay umayos na ito ng higa patalikod sa binata.

"Good night Dodong!"

"Wala ba akong good night kiss?" hirit ng binata.

Itinaas ni Maymay ang isang kamao na hindi humaharap sa binata.

"Eto gusto mo? Kanina ka pa nakakarami!"

"Sabi ko nga matutulog na ako!" at pinatay na nya ang bedside lamp.

Maya-maya ay narinig nya ang mahinang hilik ng dalaga tanda ng pagtulog nito.

Nakaharap sya sa nakatalikod na dalaga.

Hindi nagkumot ang dalaga at hindi rin nito pinatay ang bedside lamp sa gilid nya kaya malayang napagmamasdan ni Edward ang mahahabang binti nito.

Maling desisyon ata na patulugin nya ang dalaga sa kwarto nya.

Siguradong hindi sya makakatulog dahil nararamdaman nya na ang pagkagising ng "alam nyo na!".

Alam nyang nakatodo ang aircon nya pero init na init sya.

Hinubad na lang nya ang sando nya para kahit papaano ay mabawasan ang init na nararamdaman.

Gumalaw ang dalaga at humarap sa kanya.

Hindi na naman nya maiwasang titigan ang labi nito na pakiramdam nya ay palagi na lang syang inaakit.

"Behave Edward behave!" saway nya sa sarili.

Para umiwas sa tukso ay tumalikod sya sa dalaga.

"Tama yan Edward! Umiwas ka sa tukso!" bulong nya sa sarili.

Pumikit sya para pilitin ang sarili na matulog.

Maya-maya ay naramdaman nyang nahulog ang unan na hinarang ng dalaga.

Nasipa siguro ito ng mahahabang legs ng dalaga.

Pigil na pigil nya ang sariling wag humarap sa dalaga.

Marahil dala ng matinding pagod ay nakatulog din sya.

Nagising sya ng maramdaman ang hininga ng dalaga sa hubad na likod nya.

Nasa likod nya na pala ito.

Nagtitindigan ang mga balahibo nya sa bawat paghinga nito.

Gising na gising na naman tuloy ang diwa at pagkalalaki nya.

Sigurado syang hindi sya makakapagpigil kapag hinarap nya ito.

Kaya dahan-dahan na lang nyang binalak umalis ng kama pero dumantay ang isang binti ng dalaga sa kanya.

"Naku naman Yamyam! Masyado mo namang sinusubukan ang katatagan ko!" bulong nya sa sarili.

Hindi na sya umalis sa pwesto.

Alam nyang hindi na sya makakatulog.

Lihim na napangiti ang dalaga.

At tuluyan na syang nagpadala sa antok.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon