TH Chapter 54

9.5K 288 27
                                    

Nanlalaki ang matang napamulat si Dodong.

Nagsitayuan ang mga balahibo nya hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa sensasyon na dulot ng pagbulong ng dalaga sa tenga nya.

Napalunok ulit sya dahil pakiramdam nya ay may nabuhay na hindi dapat.

Agad na syang tumalikod sa dalaga at nagmamadaling lumabas ng kwarto nito.

Pagkasara ng binata ng pinto ay pinakawalan na ni Maymay ang tawang kanina pa nya pinipigilan.

"Akala mo makakaisa ka ha!" ang nasa isip nya.

Natawa sya ulit ng maalala ang pagpikit ng binata at pagnguso pa nito.

"Kunwari ka pa Mary Dale pero ang totoo gusto mo namang halikan!" ang bulong ng isip nya. 😈

"Hindi kaya!" ang saway nya rin sa isip. 😇

"Don't me!" ang panunudyo pa rin ng isip nya. 😈

"Yung labi nya na mukhang malambot at sobrang pula gusto kong mahalikan? Hindi noh!" ang pagtanggi nya sa isip. 😇😈

Iiling-iling sya na tumungo ng banyo para maghanda na sa pagtulog.

Samantala si Dodong ay hindi pa rin umaalis sa labas ng kwarto ni Maymay.

Napasandal sya sa pinto dahil pakiramdam nya ay pinanghinaan sya ng tuhod sa ginawa ng dalaga sa kanya.

Lalo na ng marinig nya ang mahinang tawa ng dalaga.

Napapikit pa tuloy ulit sya.

Nakita naman sya ni Marco sa ganoong posisyon.

"O bro! What are you still doing there?"

Napamulat naman sya ng marinig ang kaibigan.

Napahawak sya sa batok nya.

"Matulog ka na!"

Inakbayan sya nito pero ngumuso sa bandang baba nya.

Ngumiti ito ng nakakaloko.

Nagtataka naman sya kung bakit kaya sinundan nya ng tingin ang inginunguso nito.

"F*ck!"

Pinamulahan sya ng mukha ng mapagtanto ang tinutukoy nito.

"Gising na gising eh!" at tinawanan pa sya ni Marco.

Sinakal naman nya ang kaibigan.

"May kasalanan ka pa sa akin!"

"What?!?"

"Panira ka ng moment namin kanina!"

Tumawa ulit si Marco.

"Have I ever told you that Maymay is a Krav Maga black belter?"

"Really? Sa payat nyang yon!?!"

"She is! Kaya hindi basta-basta uubra sa kanya yung mga damoves mo!"

"I'll keep that in mind!"

"And did I ever tell you that she's also one hell of a sharp-shooter?"

Napalunok naman si Edward sa sinabi ng kaibigan.

"Are you trying to scare me?"

"Nope! FYI lang!" at ngumiti ito ng nakakaloko kay Edward.

"Bakit natatakot ka na ba?"

"Hindi!"

Marco patted his back.

"That's my boy!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon