TH Chapter 68

7.9K 218 18
                                    

"So, are you guys going to tell me or not?" ang kunwari'y nagtatampong tanong ni Marco.

Ngumiti si Edward.

"Yun lang? Ngingitian mo lang ako?"

Tinapos na ni Edward ang pagkain.

"Aren't you finished eating? We have to leave now!" at tumayo na ito.

"Grabe ka bro! Ayaw mo na nga sagutin yung tanong ko tapos minamadali mo pa yung pagkain ko!"

Nagmamadaling sumubo pa sya ng isang beses tapos ay tumayo na rin.

Lumabas na rin ng kusina si Maymay.

"Tapos na kayo kumain?"

"Eto kasing si Dodong mo minamadali na ako!"

Nahiya naman si Maymay sa sinabi ni Marco na "Dodong mo".

Naglalakad na sila palabas ng mansyon.

Hinawakan ni Dodong ang kamay ni Maymay.

Nagulat naman si Maymay at napatingin pa sya kay Marco

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagulat naman si Maymay at napatingin pa sya kay Marco.

Nauuna itong maglakad sa kanilang dalawa ni Dodong.

Aalisin nya sana ang kamay sa pagkakahawak ng binata pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya.

"What?" tanong nya sa dalaga.

Napalingon si Marco sa pag-aakalang sya ang tinatanong ng binata.

"Ang sabi ko...." hindi nya naituloy ang sasabihin ng makita nya ang magkahawak na kamay ni Dodong at Maymay.

Pinaningkitan nya ng mata at dalawa at huminto sya sa paglalakad.

Hinarap nya ang dalawa at hinawakan sa tig-isang balikat.

"Kayo na ba?"

"Yes!" si Dodong / "No!" si Maymay.

Napatingin si Dodong kay Maymay.

"Kinakahiya mo ba ako Yamyam?"

"No! Naisip ko lang kasi, hindi ba masyadong mabilis ang mga pangyayari?"

"Binabawi mo na ba yung sinabi mong mahal mo ako?"

"Oh oh! LQ agad!" ang napapailing na sinabi ni Marco.

"Shut up Marco!" sabay pang sabi ni Dodong at Maymay.

Sumenyas si Marco na tila ba sinizipper ang bibig nya at itinaas pa ang dalawang kamay na animo'y sumusuko.

Lumabas na sya ng mansyon at nagtungo ng kotse.

Hinarap ni Dodong si Maymay.

"Now tell me Yamyam, do we have a problem?"

Napakagat sa labi nya si Maymay.

Kanina nung tinanong sila ni Marco parang bigla syang nakaramdam ng hiya.

Sumagi tuloy sa isip nya na baka masyado nyang minadali ang pagsagot sa binata.

"Are you regretting what you said last night?" ang malungkot na sabi ng binata sa kanya.

Nang makita nya ang lungkot sa mga mata ng binata ay parang kinurot ang puso nya.

Bahala na!

Basta mahal nya ang binata at ramdam nyang mahal rin sya nito.

"I'm sorry!" at hinawakan nya ang pisngi ng binata.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon