TH Chapter 106

9.4K 208 42
                                    

Natigil si Edward sa pagmumuni-muni ng lumabas ang dalaga sa CR na umiiyak.

Agad nyang nilapitan ito at niyakap.

"Yamyam, what's wrong?"

Hindi ito nagsalita, bagkus ay iniabot lang sa kanya ang pregnancy test kit na hawak nito.

"Positive?" alanganing tanong nya.

Lumapit sa kanila si Shar at kinuha ang preg test.

"Positive! She's pregnant!" masayang sabi ni Shar.

Lalong lumakas ang iyak ni Maymay.

"Shhh... don't cry Yamyam! Pananagutan naman kita! Di ba nga I already proposed to you!" pag-aalo nito sa fiancé.

Saka lang tumigil sa pag-iyak si Maymay.

"Promise?" parang batang nagtatanong ito.

"Oo naman! If you want we can move the date to next month so you can still walk down the aisle na maliit pa ang tyan mo if that's what you're worried about!" pag-aassure nya dito.

"Talaga Dodong?"

"Yes, Yamyam! If that's what will make you happy!"

Tumango-tango si Maymay.

"So... congratulations guys!" putol ni Shar sa usapan nila.

Niyakap sya ni Maymay.

"Thank you Shar dahil nandito ka!"

"Asus! Wala yun!"

Narinig nilang may kumatok.

"Pasok!" sigaw ni Edward.

Pumasok si Marco, Juliana, Rivero at Donato.

"Okay ka na ba Dale?" tanong ni Juls.

"Okay na ako Juls! Pagod lang siguro!"

"Sigurado ka?" alalang tanong ni Marco.

"Oo naman!"

"Kanina pa kasi kayo dito kaya nag-alala na kami!" si Rivero.

"Okay na sya bro!" sagot ni Edward dito.

"What's your findings hon?" tanong ni Donato sa kasintahan.

"Ah... sila ang dapat magsabi sa inyo!" sabay turo kay Maymay at Edward.

Lahat sila ay tumingin sa dalawa.

Hinawakan ni Edward ang kamay ni Maymay at tiningnan ito.

"Should we?"

Ngumiti ang dalaga at tumango.

"Guys, we just found out that she's pregnant!" masayang anunsyo nito sa mga kaibigan.

"Ano?!?" boses ni Lolo Edison na noon ay nasa tapat ng pinto na hindi nila naisara.

Napalingon silang lahat dito.

"Tama ba ang narinig ko Edward? Magkakaapo na ako?" lumapit ito sa dalawa.

Nahihiya naman si Maymay.

Hinigpitan ni Edward ang hawak sa kamay nya.

"Yes Lolo! Magkakaroon na kayo ulit ng apo!" alanganing ngiti ni Edward sa lolo nya.

"Congratulations apo!" at niyakap nya pa si Edward sa sobrang tuwa.

"Masaya ako na hindi ka baog!" at tumawa pa ito.

Napakamot na lang ng ulo si Edward.

"Congratulations iha!" at niyakap nito si Maymay.

"Thank you po Lolo Edison!" nahihiyang sagot nya sa matanda.

"This calls for a celebration!" sabi sa kanila ng matanda.

At isa-isa na silang nilapitan ng mga kaibigan at kinongratulate.

A/N: One Last Chapter 😭

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon