TH Chapter 85

7.9K 225 18
                                    

Marahil sa sobrang pagkabigla ni Maymay sa mga nalaman ay hinimatay sya.

"Dale!" sigaw ni Juliana.

"Anak!" si Nanay Remedios.

Bubuhatin na sana ni Ricardo ang dalaga ng dumating si Marco.

"Ako na!" at dali-daling binuhat nito ang dalaga at dinala sa kwarto.

Nakasunod silang tatlo.

Pagkalapag sa dalaga sa kama ay nilapitan ito ni Nanay Remedios at hinaplos ang noo ng dalaga na pawisan.

"What happened?" mahinang tanong ni Marco sa kanila.

"We finally told her the truth!" sagot ni Atty Ricardo.

"Pero bakit?" naguguluhang tanong ng binata.

"Nakita kasi namin yung picture nila ni Edward nung bata pa sila kaya tinanong namin kay Nanay Remedios kung sino yon!" pagpapaliwanag ng dalaga.

"What do you mean her and Edward's childhood picture?" mas lalong naguluhan si Marco.

"Si Edward John Barber ay si Dodong na kababata ni Mary Dale na naging dahilan ng amnesia nya."

Gulat na gulat si Marco.

Hindi nya akalain na ang best friend nya palang si Edward ang dahilan ng nawawalang ala-ala ng dalaga.

Hindi naman kasi sinabi sa kanila ni Lolo Joe ang impormasyon na iyon.

"Edward needs to know about this!" at dali-dali nyang kinuha ang cellphone para tawagan ang kaibigan.

Hindi naman sya pinigilan ng abogado.

Ring ring ring

"Yes, Marco? Nakabalik ka na ba kanila Maymay?"

"Yes, Edward, I just arrived and there's something you need to know!"

Kinabahan naman bigla si Edward.

"Wait, are you driving?" tanong ni Marco sa kanya.

"I'm actually on my way there now!"

"That's good! Ingat sa byahe! We'll be waiting for you!" then Marco ended the call.

Naguluhan naman si Edward sa tono ng pananalita ni Marco.

Mukhang seryoso ito sa kung anuman ang sasabihin sa kanya.

"Papunta na raw sya dito." pagpapaalam nya sa abogado.

Tumango naman ang abogado.

"Excuse me first! Mukhang kailangan kong kausapin si Mr. Edison Barber sa nangyayari.

At lumabas na muna ito sa kwarto ng dalaga.

"Can you tell me what happened babe?" tanong ni Marco sa kasintahan.

At kwinento naman nito ang mga nangyari simula ng makita nila ang larawan ni Dodong at Yamyam.

Nang matapos sa pagkukwento ang dalaga ay napahilig ito sa balikat ng binata.

"I'm sorry babe."

Napatingin si Marco sa dalaga.

"Bakit ka nagsosorry?"

"Minsan kasi nagseselos na ako sa pagiging maalaga at protective mo kay Dale... yun pala alam mo yung sitwasyon nya kaya ganun ka na lang sa kanya!"

Hinawakan ni Marco ang baba ng dalaga.

"Di ba sabi ko naman sa'yo mahal ko si Dale bilang kaibigan... pero ikaw ang gusto kong mapangasawa!" pilyong ngumiti pa ito sa dalaga.

Hinampas naman ng dalaga ang matipunong dibdib ng binata.

"Pero sa tingin mo, mababalik pa kaya ang nawalang ala-ala ni Dale?"

"Hindi ko rin alam! Pero ang tanong, kailangan pa bang maalala nya yun kung nagkakilala na sila ulit ni Edward?"

"You have a point! What's more important is the present and hopefully they will have a future together!"

"Kumain na muna kayong dalawa at ako ng bahala kay Maymay." pukaw sa atensyon nila ni Nanay Remedios.

Nahiya naman si Juliana ng maalalang nandun pala ito.

"Are you sure you're okay Nay Medi?" tanong ni Marco dito.

"Sige na bumaba na kayo. Ako na ang magbabantay sa alaga ko."

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon