TH Chapter 21

14.6K 371 7
                                    

Bumuntung-hininga si Maymay.

Bakit nga ba hindi nya inamin sa lola Melba nya ang totoo na sya si Mary Dale?
Eh di sana hindi sila nahihirapan ni Juliana sa pagpapanggap.
Nung una kasi ay inisip nyang malabo lang ang mata ng lola nya kaya napagkamalan nitong si Juliana si Mary Dale.
Ngunit nung sabihin nitong katulong sya ay nakaramdam ng pagka-inis si Maymay sa lola nya.
Hindi nya akalain na matapobre ito.

Walang masama sa pagiging katulong dahil marangal na trabaho ito kaya hindi nya nagustuhan ang tono ng boses nito na may pangmamaliit.
Hindi sya ganun pinalaki ng magulang nya, maging ng lolo nya.

Sa katunayan, ang ama nya ay dating katiwala sa maisan ng hacienda ng lolo nya. Nagkamabutihan sila ng kanyang ina.
Hindi tumutol ang lolo nya sa pagmamahalan ng dalawa dahil sa nakitang kasipagan at katalinuhan ng lolo nya sa ama nya.
Sabi pa nga nila ay dito sya nagmana ng katalinuhan.
Pinalaki syang punung-puno ng pagmamahal ng ama at ina nya. Pati mga tauhan nila sa hacienda at maisan ay mahal na mahal silang pamilya.
Nang mamatay ang ama nya sa aksidente ay nagkasakit ang ina nya hanggang sa tuluyan itong bawian ng buhay. Sobrang nalungkot ang lolo nya sa pagkamatay ng nag-iisa nyang anak kaya nagkasakit din ito at hindi nagtagal ay namatay.

Kaya naiwan syang mag-isa sa hacienda. Kahit na gusto nyang patirahin doon ang tito nya na si Atty. Ricardo at ang pamilya nito ay hindi ito pumayag. Masyadong maprinsipyo ito kaya ayaw nyang mapag-isipan ng mga tao na inaabuso nila ang kabaitan ni Maymay.

Kaya naman nagulat sya ng sabihin nito na may ganung kondisyon pala ang lolo nya sa huling testamento nito.

How is she supposed to fall in love and find a husband in just three months?

Napabuntung-hininga na naman sya ng malalim.

Pinagmamasdan lang sya ni Juliana. Batid nito ang kahirapan ng kalooban ng pinsan.
"By the way, Dodong seems to like you." may himig panunukso nya dito.

Maymay rolled her eyes.
"I doubt if that's even his real name!"

"Why?"

"Sa itsura nyang yun? Hindi bagay ang Dodong!"

Napangiti si Juliana.
"Bakit ano bang bagay na pangalan sa gwapong katulad nya?"

"Tss."

"Aminin mo, gwapo si Dodong di ba!"

Maymay tried hiding her smile.

"Crush ni Maymay si Dodong!" ang panunukso ni Juliana sa dalaga.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon