TH Chapter 33

11.7K 298 1
                                    

Pagkalapit sa kanila ni Marco at Edward ay inabot ni Marco ang jacket nya kay Maymay.
"Here! Wear this!"

"Wag na Marco, hindi naman malamig sa kotse."

Nakonsensya tuloy si Edward.
Halata kasi na nilalamig si Maymay.

"Sige tara na para hindi ka na lamigin!"

At naglakad na sila papunta sa kotse.

Marco opened the car door for Juliana and was about to sit at the back when Maymay asked him to switch seats.

"Sinabi ko na rin kay Juls kanina." ang bulong nya dito.

Kaya ng ipagbubukas sya ni Edward ng pinto ay nagulat ito na nagpalit ang dalawa ng pwesto.

Sumakay na si Edward sa driver's seat at pumwesto naman si Marco sa passenger side nya.

Pasimpleng tiningnan ni Edward ang dalaga na nakapwesto sa likod nya.

Nakapikit ito at nakayakap sa sarili na halatang nilalamig pa rin.

Iaabot na sana nya ang jacket nya pero naunahan sya ni Marco.

"Gamitin mo na 'tong jacket ko May! Wag ka ng tumanggi!"

Hindi na kumibo si Maymay.

Inayos naman ni Juliana ang jacket sa pinsan.

Nagtataka si Edward kung bakit parang ganun na lang ang pag-aalaga ni Marco at "Mary Dale" kay Maymay.

Hindi ba dapat si Maymay ang nag-aalaga kay Mary Dale?
Naguguluhan na talaga sya sa ikinikilos ng tatlo.
Akala ko ba ang pinsan ni Mary Dale ang gusto ni Marco?
Hindi kaya si Maymay yung pinsan ni Mary Dale na tinutukoy ni Marco?
Pero kung sya yun eh bakit parang ipinagtutulakan ako ni Marco kay Maymay?

So many questions!

But he was determined to find out all the answers to it!

Tahimik silang lahat sa kotse.

Si Maymay ay nagpupumilit na makatulog.

Habang si Edward ay seryoso sa pagmamaneho.

Si Juliana at Marco ay nag-uusap muli sa text.

"What the hell happened with Dodong and Maymay? 😡 - J

"Hindi ko rin alam!" 😕 - M

"I thought you said okay yang friend mo?" - J

"Yes he is! Hindi ko nga lang alam kung ano nangyari kanina! Mukhang okay naman sila nung iniwan natin kanina di ba?" - M

"I thought so too! Pero bakit parang galit si Dale nung pinuntahan nya tayo? Imposible naman basta na lang magalit si Dale ng walang dahilan." - J

"Don't worry I intend to find out!" - M

"Dapat lang! Alam mo naman na malalagot ako kay Daddy pag may nangyaring masama kay Dale! - J

"Leave it to me!" - M

Nakarating sila sa mansyon na hindi nagkikibuan.
Hinatid na ni Marco si Juliana at Maymay sa loob.

Dumeretso agad sa kwarto ang dalawa.
Tahimik lang silang nagbihis ng pantulog at naglinis ng katawan.
Pinapakiramdaman ni Juliana ang pinsan.
Naramdaman naman iyon ni Maymay.
"Let's just go to sleep for now, Juls. I know you're curious about what happened but I'm tired."

Nirespeto naman ni Juliana ang sinabi ng pinsan at humiga na nga sila para matulog.

Pero ang diwa ni Maymay ay gising na gising.

Bumalik na naman sa isip nya yung sinabi ni Dodong tungkol sa relasyon nila ni Marco.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon