TH Chapter 5

18.2K 439 26
                                    

Dumating sa Manila si Maymay kasama ang pinsan na si Juliana.

Hindi pa nila nakikilala ng personal ang kanilang Lola Melba kaya naman hindi nila alam kung ano ang ugali nito.

Hindi pumayag si Maymay na pasamahan sila ng kanyang Tito Ricardo sa mga bodyguards dahil gusto nyang malaya silang makakilos ni Juliana.

Buti naman at pumayag ito.

Pagkarating ng mansyon ng Lola Melba nila ay nagulat pa sila ng makitang sobrang tanda na pala nito.

Malabo na ang mata at mahina na rin ang pandinig.

Pinapasok sila ng mga katulong at mayordoma.

Marahil dahil simple lang ang kasuotan ni Maymay ay hindi sya gaanong pinapansin ng mga ito at todo asikaso naman kay Juliana na magarbo ang pananamit.

Hindi naman ito pinansin ni Maymay dahil hindi naman sya sanay ng pinagsisilbihan kahit na sa sariling mansyon nila.

Marunong sya sa gawaing bahay dahil gusto ng ama at ina nya na matuto sya sa buhay.

Nagamit naman nya ito lalo na nung nag-aral sya sa Amerika.

Namuhay syang mag-isa duon at naging independent.

Samantalang si Juliana ay sunod ang layaw sa mga magulang kaya walang alam sa gawaing bahay.

Lumapit ang Lola Melba nila sa kanila.

"Ikaw na ba yan Mary Dale?" sabay lapit nito kay Juliana na ikinagulat nito.

"No Lola I'm...." ang pagtatama sana ni Juliana dito pero pinigilan sya ni Maymay.

Nagtaka man si Juliana sa ikinilos ni Maymay ay hinayaan nya na lang ito.

"Ahm, yes Lola it's me!" ang pagsang-ayon na rin nya dito.

"Bakit naman nagsama ka pa ng katulong eh marami naman akong katulong dito na pwedeng mag-asikaso sayo?" sabay tingin kay Maymay mula ulo hanggang paa.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon