TH Chapter 80

8.5K 237 20
                                    

Pagkatapos kumain ay uminom na ng gamot si Maymay.

"Magpahinga ka na muna anak."

"Pero gusto ko pa pong marinig ang kwento mo tungkol sa amin ni Dodong." paglalambing nya dito.

"Huwag kang mag-alala. Pagkatapos mong magpahinga, itutuloy ko pa rin ang kwento ko." at hinaplos nya pa ang buhok ng dalaga.

Biglang dumiretso ng tayo si Maymay.

"Ay! Nakalimutan ko yung mga pictures na hinahanap ko!"

Naalala nya ang ginagawa sa basement.

"Ako ng bahalang maghanap ng mga cute na pictures mo! Magpahinga ka na muna!" prisinta ni Juliana.

"Thanks Juls!" at ngumiti pa sya na parang pusang naglalambing sa pinsan.

"Sige na! Tama na pagpapacute! Magpahinga ka na!" at iginiya pa sya nito papuntang hagdan.

Natawa naman si Maymay sa sinabi ng pinsan.

Samantala si Edward at lolo nya ay tahimik na nagsasalo sa hapag-kainan.

Napapangiti sya ng maalala ang sinabi nitong dati pa ay Yamyam na ang tawag nya sa dalaga.

May naisip sya bigla.

"Lolo, does Atty Ric know about Maymay and I?"

"If you mean your connection with her, no he doesn't! All he knows is that Joe and I are best of friends."

"When I called you and asked you to do everything in your power to make Mary Dale my wife..." huminto sya saglit.

"Yes?"

"...is that the reason why you weren't surprised by my demand?"

"I was actually more surprised that you even met her. It is indeed a small world!"

"Yeah, small world! Imagine her being my best friend Marco's childhood friend! He was the one who reintroduced us!"

At napangiti na naman si Edward ng maalala ang unang araw na nakita nya si yaya Maymay.

Sino bang mag-aakala na ang pagpunta nya sa Manila para maghanap ng mapapangasawa ang magiging dahilan ng pagkikita nilang muli ng kababatang si Yamyam.

Masaya syang pinagmamasdan ng lolo nya.

Naalala nya yung araw na tinakot nya itong tatanggalan ng mana kapag hindi pa ito nag-asawa.

Hindi nya akalain na magtatagpo silang muli ni Mary Dale.

Masaya sya na mukhang matutupad ang pangarap nila ni Joe sa mga apo nila.

Kahit na hindi na nila ito ipinilit ipagkasundo sa isa't-isa ay nagkatagpo pa rin silang muli at nagkagustuhan pa.

Masaya syang haharap sa matalik na kaibigan sa kabilang buhay.

"I used to see your father smiling like that while looking at your mom!" baling nya sa apo.

Namula naman si Edward sa sinabi ng lolo nya.

"So tell me apo....when are you going to reintroduce her to me?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon