TH Chapter 95

7.6K 239 22
                                    

"Did I forget to mention that Mary Dale is Edward's fiancé?" banggit ni Edison kay Savannah at Markus.

Akmang magproprotesta si Maymay sa sinabi ng matanda kaya hinawakan ni Edward ang kamay nya sa ilalim ng mesa at pinisil pa ito.

Napatingin si Maymay kay Edward.

Ngumiti si Edward sa kanya.

Mas lalong nainis si Savannah ng makita ang pagngiti ni Edward sa dalaga.

Nanggagalaiti sya pero pilit syang ngumiti.

"Well, congratulations Edo!" sabi nya sa malandi este malambing na tono.

"Thank you Van!" sagot ni Edward pero kay Maymay sya nakatingin at hinalikan pa ang kamay ng dalaga na hawak nya.

Napangiti na rin si Maymay sa ginawa ng binata bagama't hindi pa naman ito nagpropose sa kanya ay hinayaan nya na lang.

Ramdam nya kasing naiinis si Savannah sa pinapakita ni Edward sa kanya.

"I'm happy for you both!" sabay ngiti ng kaplastikan kay Maymay.

"Thank you!" at ngumiti sya ng pagkatamis-tamis sa dalaga.

Pasimpleng inoobserbahan sila ng matanda.

Si Markus naman ay naiinis din dahil alam nyang kay Edward na mapupunta lahat ng kayamanan ng lolo nito.

Mas lalo pa syang naiinis dahil alam nyang mayaman din ang mapapangasawa nito na si Mary Dale Entrata.

Pero pinilit nya ring ngumiti sa pinsan at icongratulate ito.

"Congratulations Edward!"

Masaya si Edward sa mga nangyayari kaya totoong ngiti ang ibinalik nya sa pinsan.

"Thanks, Markus!"

At nagpatuloy silang masayang kumakain ng dinner.

Pero kapansin-pansin ang pananahimik ni Savannah at Markus.

Pagkatapos ng dinner ay nag-aya pa si Edison na magcoffee sila sa terrace.

Nag-excuse na muna si Savannah para magCR.

Ganun din si Markus.

Samantalang ang tatlo ay nauna na sa terrace.

Pagkabalik ng dalawa ay masayang nagkukwentuhan si Edison at Maymay.

Ikinuwento ni Maymay sa matanda kung paano sila ulit nagkakilala ni Edward sa Manila.

Natatawa naman ang matanda sa kwento ng dalaga.

Si Edward naman ay masayang pinagmamasdan ang dalaga habang nagkukwento ito sa lolo nya.

He feels so content with what's happening in his life.

Pasimple syang nilapitan ni Savannah.

"Mas mayaman ba sya sa akin kaya sya ang pakakasalan mo?" sarkastikong sabi nito kay Edward.

Nagsalubong ang kilay ni Edward sa tanong ng dalaga.

"Yes, she is! But it's not the reason why I'm going to marry her!" inis na bulong nito kay Savannah.

"Oh come on, Edward! Wait! Don't tell me she's pregnant kaya kailangan mo syang pakasalan?"

"What the hell, Van! Of course, she's not pregnant!"

"Don't tell me you love her that's why you're going to marry her?" hindi makapaniwalang tanong ni Savannah sa binata.

Ngumiti si Edward at sinabi sa kanya...

"Finally! You got it right! I do love HER that's why I'm going to marry HER and not YOU!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon