TH Chapter 6

16.7K 415 10
                                    

"But Lola she's not my maid! She's..." pinutol ni Maymay ang sasabihin ni Juliana.

"Ako po si Maymay ang yaya ni Ma'am Mary Dale." ang pagpapakilala nya sa Lola.

"But Maymay!" ang pagprotesta ni Juliana sa sinabi ng pinsan.

Nilapitan niya si Juliana at binulungan ito.

"Hayaan mo na Juls! Mas makakabuti yun sa plano ko."

"Pero malalagot ako kay Daddy pag nalaman nya ito!"

"Hindi nya malalaman kung hindi mo sasabihin."

"Yaya? Aren't you too old to be having a yaya Mary Dale?" na si Juliana pa rin ang tinutukoy.

"Ang gusto po kasi ni Sir Ricardo ay mabantayan ko si Ma'am Mary Dale sa mga mapagsamantala." sagot na naman ni Maymay sa matanda.

"Mabantayan? Sa payat mong yan?"

"Huwag po kayong mag-alala Ma'am Melba marunong po ako ng self defense."

"Well anyway, umakyat ka na sa kwarto mo Mary Dale para makapagpahinga ka na muna. Alam kong pagod ka sa byahe."

"Rosario, ihatid mo na si Mary Dale sa kwarto nya!"

"At ikaw naman Maymay sumunod ka kay Dina sa maid's quarters!"

"No, Lola! She will stay in my room!" ang pagpigil ni Juliana kay Maymay.

Napatigil naman ang matanda sa sinabi ni Juliana.

"Are you sure about that my dear?"

"I'm very sure! And besides I won't rest easy if she's not staying in the same room as I am!"

"Kung yan ang gusto mo. O sya Maymay sumama ka na rin kay Mary Dale!"

Bitbit ang mga gamit nya ay sumunod na silang dalawa ni Juliana sa mayordomang si Rosario.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon