TH Chapter 13

15.1K 376 25
                                    

Dumating na sila sa wakas sa mansyon ni lola Melba.
Sinalubong naman sila ni Melba.

"Marco! Iho, mas lalo ka atang gumagwapo ngayon!"

Bumeso si Marco sa matanda.
"Tita Mel talaga binobola mo naman ako!"

"Kahit malabo na ang mata ko alam kong gwapo ka!"

Natawa na lang si Marco sa sinabi nito.

"Sino naman itong kasama mo?" na ang tinutukoy ay si Edward.

Tiningnan ito ni Melba ng mula ulo hanggang paa.

Nakasuot lang ng plain white shirt at faded jeans si Edward.

"Nga pala Tita, si..." pinutol naman ni Edward ang sasabihin ni Marco.

"Dodong po Ma'am Melba, driver po ako ni sir Marco!" sabay abot ng kamay upang makipagkamay sana sa matanda.

Pero tiningnan lang iyon ni Melba.

Binawi ni Edward ang kamay nya.

"Driver? Well, anyway pwede ka ng lumabas. Dun mo na lang hintayin si Marco."

"Pero tita..."

"Okay lang bro!" bulong ni Edward kay Marco.

"Wait, ipapakilala pa kita kay Mary Dale!"

"Speaking of Mary Dale, eto na sya!"

Napatingin naman silang dalawa sa paparating.

Magkasunod si Juliana at Maymay na bumababa ng hagdan.

Katulad ng nakasanayan ay magarbo ang kasuotan ni Juls samantalang simpleng off-shoulder blouse at jeans lang ang suot ni Maymay.

Hindi alam ni Edward pero parang saglit na huminto ang paghinga nya ng makita ang dalaga.

Napako ang tingin nya sa simpleng dalaga.

Napakasimple lang ng suot nito at mukhang wala pa ngang make-up pero napakalakas ng dating.

Pakiramdam nya ay napakabagal ng bawat hakbang nito sa hagdanan.

Hindi nya namalayan na nasa harapan na pala nila ito.

"Mary Dale andito na si Marco!" si Melba na nakatingin kay Juliana.

"Mary Dale?" nagulat si Marco.

Parang nadismaya naman si Edward na hindi pala ang dalagang tinitingnan nya ang kaibigan ni Marco na si Mary Dale.

"Pero sino kaya sya?" ang bulong ni Edward sa sarili.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon