TH Epilogue

11.7K 252 105
                                    

First birthday na ni Luke at Leia, ang kambal na anak nina Dodong at Yamyam.

Syempre kumpleto ang barkada na mga ninong at ninang nila.

Si Marco at Juliana na malapit na ring ikasal.

Si Donato at Shar na malapit na ring manganak.

Si Rivero at Laura na malapit na ring maghiwalay!

Joke lang!

Palagi kasing inaasar ng barkada si Rivero na wag ng pakawalan si Laura at baka mauntog pa.

Si Mc Coy at Elisse na dalawang buwang buntis!

Si Atty Ric at Tita Lucy syempre naroon rin.

Si Lolo Edison at si Lola Remedios.

Tama!

Lola Remedios dahil nagpakasal na sila ni Lolo Edison last month lang!

Oh di ba lumalablayp ang mga thunders!

Inimbitahan rin nila si Markus!

Si Markus na hanggang ngayon ay naghihintay sa pagbalik sa katinuan ni Savannah.

Pagkatapos kasi ng panggugulo nito sa kasal nila Dodong at Yamyam ay dinala ito ng mga magulang sa Amerika upang ipagamot sa mga espesyalista sa pag-iisip.

Syempre imbitado ang lahat ng mga tauhan nila sa hacienda na mahal na mahal ang kambal.

Simple rin lang ang handaan nila dahil ayaw ni Yamyam na masanay sa marangyang buhay ang mga anak.

Nagpagawa ng replica ng bahay kubo si Dodong para gawing playhouse ng kambal bagama't hindi pa naman nila nagagamit iyon.

Sinubukan ni Yamyam na magpatingin ulit sa mga espesyalista kung sakaling maibabalik pa ang mga nawawalang ala-ala nya.

Pero wala talaga!

Kaya tumigil na sila at mas piniling gumawa ng mga bagong ala-ala na magkasama.

Yun naman kasi talaga ang mas mahalaga!

Ang kasalukuyan at ang hinaharap na alam nyang magkasama nilang haharapin ni Dodong.

Kasama ang kambal na si Leia at Luke at ang mga mahal nila sa buhay.

Karga ni Marco si Luke at karga naman ni Juliana si Leia.

"Nasaan na ba si Edward at Maymay? Ibloblow na yung candle wala pa?" tanong ni Donato.

"Naku wag na nating hintayin yung mag-asawang yun!" si Rivero.

"Bakit nasaan ba sila?" si Mc Coy at Elisse.

"Pupunta daw sa kubo sa maisan may kukunin lang!" sagot ni Juliana.

Napailing si Marco.

"Walang kukunin yon!" natatawang sabi ni Marco.

"Eh bakit sila nagpunta dun?" si Shar.

"Gumagawa ng panibagong apo ko!" singit ni Lolo Edison.

At nagtawanan na silang lahat.

Habang si Dodong at Yamyam ay masayang masaya rin na kumakain ng mga gulay sa Bahay Kubo.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon