Nagtataka naman si Marco kung bakit si Juliana ang kinakausap ng Tita Mel nya gayung nasa likod nito si Mary Dale.
Lumapit agad si Juliana sa kanya para bumeso.
"Mary Dale?" ang bulong ni Marco dito.
"I'll explain later!" ang bulong rin naman ni Juliana sa binata.
Si Edward naman ay hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa isa pang dalaga.
Akmang bebeso si Marco kay Mary Dale.
Umiwas naman si Maymay dito.
Mahinang hinampas pa ito ni Maymay sa braso.
"Ikaw talaga Sir Marco masyado kang palabiro!" malakas ang pagkakasabi ni Maymay nito para sadyang iparinig sa lola Melba nila.
"Sir Marco?" takang tanong ni Marco.
Umasim naman ang mukha ni Melba sa narinig.
Hindi nya nagustuhan ang inakto ng yaya ni Mary Dale.
"By the way, Marco sya nga pala si Maymay ang yaya ni Mary Dale!"
Nagulat na naman si Marco sa sinabi nito.
Nagtatakang tumingin si Marco kay Juliana at Maymay.
"Yaya? Ang tanda mo na Dale para magkaroon ng yaya!" ang pang-aasar naman ni Marco kay Juls.
"Shut up!" ang natatawang sabi naman ni Juls sa binata.
Nakahinga naman ng maluwag si Maymay dahil hindi sila binuko ni Marco.
Basta kalokohan talaga ay maasahan ito.
"Yaya? Ang ganda naman nya masyado para maging yaya!" ang nasa isip naman ni Edward.
Bigla naman may naisip na kalokohan si Marco.
"Sya nga pala, Maymay, si Dodong ang driver ko!"
Nilapit naman nya si Edward kay Maymay.
Bahagya pang napaatras si Maymay sa ginawa ni Marco.
Masyado kasing napalapit si Edward sa kanya.
"Bagay kayo!" at ngumiti pa ito ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
The Heiress
Fanfictionof love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avo...