TH Chapter 19

14.9K 396 4
                                    

Nagpaalam na si Marco kay Melba na uuwi na.

"Tita Mel, I'll go ahead! I still have somewhere to go!" sabay beso dito.

"Hindi  ka na ba magdidinner dito iho? Marami pa naman akong ipinahanda!"

"Sorry, tita! I promise next time! May kailangan pa kasi akong asikasuhin."

"O sya sige basta sa susunod hindi ka na pwedeng tumanggi!"

"Bye Mary Dale!" sabay kindat nito kay Juliana.

Ngumiti naman si Juliana dito.

Tumingin si Marco kay Maymay.

Tumango na lang si Maymay kay Marco at baka mapansin pa ng lola Melba nila.

Dinaanan ni Marco si Edward sa hardin at niyaya na.

"Bro! Let's go!" sabay tapik sa balikat nito.

Nagulat naman si Edward.

"Huh?"

"Sabi ko tara na! Mukhang kanina pa malalim iniisip mo ah!"

Tumayo naman na si Edward at sinabayan na si Marco sa paglalakad.

"Hindi noh!"

Natawa naman si Marco sa pagtanggi ni Edward.

"Hindi daw eh para kang natuklaw ng ahas na hindi kumikilos kanina pa sa pwesto mo!"

"No I'm not!"

"Bro, hindi ako bingi! Wag kang sumigaw!"

"Hindi ako sumisigaw." pilit na hininaan ni Edward ang boses nya.

"If you say so!"

"Bakit nga pala aalis na tayo?" nakasakay na sila sa sasakyan.

"Bakit gusto mo pa ba magstay para makausap mo pa si Maymay?"

"What the heck are you talking about?"

"Oh come on, Edward! You were way too obvious! Type mo si Maymay noh?"

"Bakit naman ako magkakagusto sa yaya?"

"Eh ano naman kung yaya si Maymay?" kung hindi lang alam ni Marco ang totoo ay nainsulto na sya para kay Maymay.

"Bro! Alam mo naman ang hinahanap ko di ba? Yung mayaman na katulad ni Mary Dale!"

"So si Mary Dale ang pasok sa standards mo pero kay Maymay tulo ang laway mo!" sabay tingin kay Edward ng nakakaloko.

"Gago!" ang natatawang sagot ni Edward dito.

"Obvious ka kaya kanina bro! Walang kurap kurap! Titig na titig ka kay Maymay!"

"Akala ko lang kasi sya si Mary Dale kaya sa kanya ako nakatingin!"

"Nadisappoint ka ba nung malaman mong hindi?"

"Honestly?"

"Syempre gusto ko malaman yung totoo!"

"Yes." mahina ang pagkakasabi ni Edward kaya hindi agad nagsink-in kay Marco ang sagot nito.

"Ano'ng sabi mo?"

"I said yes! I felt disappointed!"

"So inaamin mo nga na type mo si Maymay?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon