TH Chapter 11

14.8K 379 11
                                    

Nagmamadali si Juliana upang hanapin si Maymay sa kwarto nila. Nakita nyang nagbabasa ito ng libro.

"Maymay! You won't believe what lola just told me!"

"What is it?"

Nakita nya ang pagkataranta sa pinsan.

"May bisita tayo mamaya!"

"O ano naman ngayon? Akala ko naman kung ano ng nangyari!"

"Guess who our guest is?"

"Sabihin mo na lang kaya Juls! Pasuspense ka pa eh!"

"It's Marco!"

"O si Marco lang naman pala eh! Akala ko naman kung sino!"

Nagulat naman si Juliana sa pagwawalang-bahala ng pinsan sa sinabi.

"Maymay! Si Marco ang bisita natin mamaya! Si Marco Gallo!"

"Oo nga si Marco Gallo nga! Kailangan ulit ulit?" natatawa pa ito sa kinikilos ni Juls.

"Nakalimutan mo na ba?"

"Bakit ko naman makakalimutan si Marco eh di ba crush mo nga yun!"

Medyo nahiya naman si Juls sa sinabi ng pinsan.

"May, nakalimutan mo na ba?"

"Kanina ka pa, ano ba kasing dapat kong maalala?"

"Mary Dale?" sabay turo sa sarili.

"Maymay?" sabay turo kay Maymay.

Nang magsink-in sa kanya ang sinasabi ng pinsan ay nataranta na rin si Maymay.

"OMG! I totally forgot about it!"

"Now you realize our predicament!"

Napatayo naman si Maymay mula sa pagkakaupo at nagpalakad-lakad sa harapan ni Juls. Seryoso itong nag-iisip.

"Why don't we just tell lola the truth May?"

"No! Hindi natin sasabihin Juls! Hindi pa sa ngayon!"

"What should we do? Marco knows us both! Mabubuking tayo!"

"Ako'ng bahala! Just go with the flow later okay?"

"Whatever!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon