TH Chapter 90

7.8K 220 28
                                    

His tongue started seeking for entrance which caused Maymay to open her eyes.

Nanlaki ang mata ni Maymay ng makitang nasa harapan nya si Dodong.

In her bed!

His arms wrapped around her!

Their legs entangled!

"Oh my God! It wasn't just a dream!" sigaw ng isip nya.

Bigla nyang tinulak ang binata.

"What are you doing here?!?"

Dali-dali nyang hinila ang kumot at itinalukbong ito.

Wala rin sa sariling umayos ng upo sa kama si Dodong.

Pupungas-pungas pa ang binata.

"He should have known that it was too good to be true!" he thought to himself.

Nang mapagtantong nakatalukbong sa dalaga ang kumot ay gusto nyang matawa sa itsura nito.

Pero pinigilan nya ang sariling gawin yon dahil baka ibalibag sya ng dalaga.

Naalala na naman nya tuloy yung nangyari kagabi at hindi nya maiwasang makaramdam na naman ng init sa katawan.

Napahawak tuloy sya sa batok nya.

"Edward! Ang sabi ko anong ginagawa mo dito sa kama ko?" pukaw ng dalaga sa atensyon nya.

"This is all your fault!"

"Ha? Bakit ako?" pagtataka ng dalaga.

"Bigla mo akong hinila at umibabaw ka sa akin! Sinubukan kong magpumiglas kaya lang ang higpit ng pagkakahawak mo sa mga kamay ko (with matching demo pa ang Dodong) at inipit mo rin ang mga binti ko!"

Nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa sinasabi ng binata.

"She dreamt of someone attacking her last night! So it wasn't a dream!" she thought.

"Tapos bigla kang bumagsak sa dibdib ko at nagpatuloy sa paghilik este pagtulog pala!"

"Oh my God this is so embarrassing!" ramdam ni Maymay ang pag-init ng pisngi nya.

"Eh bakit hindi ka umalis sa....(napapalunok sya sa itatanong nya) sa ilalim ko!"

"Why would I, eh nag-eenjoy ako!" sigaw ng isip ng binata.

"Natakot lang naman kasi ako na baka tuluyan mo akong balian ng buto katulad ng sabi ni Marco!" pagdadahilan na lang nya.

Pinaningkitan sya ng mata ng dalaga.

"Kung talagang takot kang mabalian ng buto, eh bakit nanghahalik ka?!?"

Pinamulahan naman sya ng pisngi sa tanong ng dalaga.

"I dreamt of kissing you." nahihiya nyang pag-amin.

Hindi tuloy alam ni Maymay kung matatawa sya sa itsura ng binata o kikiligin sa sinabi nito.

"Focus Maymay! Focus!" saway nya sa sarili.

"Eh pero teka paano ka napunta dito sa kwarto ko? Sinong nagpapasok sa'yo?"

Tumayo na si Maymay mula sa kama na nakatalukbong pa rin sa kanya ang kumot.

"Sila Marco at Juliana!" tumayo na rin si Dodong mula sa kama.

"You mean hinayaan ka nilang pumasok sa kwarto ko?!?"

"They were worried about you! And I am worried about you too!"

Naalala ni Maymay ang nangyari kagabi.

Napaupo syang muli sa gilid ng kama.

Sinabi ng Nanay Remedios nya at ng Atty tito nya ang tungkol sa nawawalang parte ng ala-ala nya.

Napahawak sya sa sentido nya.

Nakita ito ng binata kaya dali-dali syang lumapit sa dalaga at hinawakan ang pisngi nito.

He can see confusion all over her face.

"Are you okay, Yamyam?"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon