TH Chapter 97

7.2K 217 23
                                    

"What the hell are you doing in my room?!?" napaatras si Edward ng makita si Savannah sa kama nya.

Tumayo ang dalaga at akmang lalapit sa kanya.

Umatras si Edward at binuksan ang pinto.

"Get out Savannah! Lumabas ka na hangga't may natitira pa akong respeto sa'yo!" matigas na sabi nya.

Saktong pagbukas nya ng pinto ay naroon si Maymay.

Nanlaki ang mata ni Maymay sa nakitang itsura ng dalaga.

Nang makita ni Savannah si Maymay sa labas ng pinto ay binitawan nya ang kumot na nakatapis sa hubad na katawan nya.

Ngumisi sya kay Maymay.

"What the fuck, Savannah! I told you to get out!" at umiwas sya ng tingin sa kahubaran nito.

Hindi nya alam na nasa labas si Maymay.

"But hon, we're just getting started!" nang-aakit na sabi nito sa binata.

Lalapit na sana sya sa binata ng pumasok si Maymay at ibalot ang kumot sa kanya.

"I see you haven't changed a bit! Wala na bang bago?" mataray na sabi nya sa dalaga.

Nagulat naman si Edward ng makita si Maymay.

"What the hell, bitch! Bitiwan mo ako!" pilit syang nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakabalot ni Maymay ng kumot sa kanya.

"I swear I didn't do anything to her, Yamyam!"

"Don't worry Dodong! Hindi ako tanga para basta-basta maniwala dito sa babaeng ito!" at iginiya nya na palabas si Savannah ng kwarto ni Edward.

"Kung ako sa'yo uuwi na ako bago pa kita mabalian ng buto." she let her words drip with honey. 

"Are you threatening me?" sigaw ni Savannah.

Napansin nyang nasa labas din ng kwarto si Markus.

May kutob syang magkasabwat ito at si Savannah kaya medyo nilakasan nya ang boses nya para marinig sya nito.

"Hindi mo pa rin ba ako kilala Savannah? I don't do threats! Wag na wag mo nang gagawin pa ulit yung ginawa mo kung mahal mo pa ang buhay mo."

Nakangiting sabi nya dito at saka sinaraduhan ng pinto.

"Buksan mo 'tong pinto! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Savannah.

Hinawakan ni Markus ang kamay nya.

"Stop it Van! Talo ka na!" mahinang sabi nya dito.

"Shut up Markus! Wala ka talagang silbi kahit kailan!" at tinalikuran nya na ang binata.

Napailing na lang si Markus.

Hindi nya rin maintindihan sa sarili kung ano'ng nakita nya sa dalaga at minahal nya ito.

Sinundan na lang nya ang dalaga.

Pagkatapos isara ang pinto ay hinarap ni Maymay si Edward.

Niyakap naman sya agad ni Edward.

"Thank you for rescuing me!"

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon